For Rent Haunted Apartment

1K 5 1
                                    

Matagal na kong nakakakita ng multo. Actually nagququest na ko sa murang edad ko kasama ang ilang medium and manggagamot/witch doctor.. Ung ishishare kong story ay my second experience.. 6yrs.old ako nun nung nangyari to bali continues sya but it started with that age..

5am-ginising ako ng tita ko para pumasok. Naligo ako, nagbihis at kumaen.. habang nakaen ako ung tita ko ay namamalantsa ng uniform ko samantalang ang nanay ko naman ay natutulog.. nang matapos akong kumaen ay dali-dali akong pumunta sa lababo at dun na nagtoothbrush.. ang lababo namen ay may tiles na pwede kang manalamin astig nga eh.. kaso nung nagtotoothbrush ako napansin kong may puti na tela na nakalutang sa sala namen.. tanaw kasi ang sala mula sa lababo ng kusina.. natigilan ako ng mga sandaling yun at napansin kong unti-unting naglalakad ang puting tela na yun.. WHITE LADY PALA!! nakatitig lang ako sa tiles at pinanunood itong dumaan sa sala namen at tumagos ito sa pader papunta sa kabilang apartment.. tumingin ako sa likod ko sa pagbabakasakali na bumalik ito.. but di na sya bumalik..

marami pang nangyari na kakaiba sa apartment na tinirahan namen dati.. sa Muntinlupa po yung apartment na yan.. Actually kami lang ang tumagal dun.. ang mga nauna at sumunod samen ay buwan lang ang tinatagal..

hindi lang sa unit namen may nagpapakita pati din sa ibang unit,, ung iba sanay na kasi wala din naman silang lilipatan kaya ok na sa kanila yun.. hindi naman nagwawala eh..

pero isa pa sa naexperience ko sa apartment na yun na lubos na bumabagabag saken ay nung nanaginip ako ng isang batang babae.. kulot ang buhok, maputi at nasa 5-7 yrs.old na.. dun daw sya nakatira dati sa mismong unit na inupahan namen magkasama daw kami at pumasok sya saglit sa unit namen, ako naman ay nasa labas nakarinig ako ng mga hiyaw, iyak at sigaw... SIGAW nya.. humihingi sya nang tulong.. may lumabas na lalake mula sa unit namen at dali-dali itong umalis.. pumasok ako sa unit namen at nagulat ako sa nakita ko.. Nasa c.r sya sunog ang kalahati ng kanyang katawan.. ang buong mukha nya ay sunog.. tinanong ko kung sino ung lalake sabi nya ay tatay daw nya.. galit na galit daw sa kanya ito at lagi daw lasing ito.. humihingi sya nang tulong saken..

-bigla akong nagising.. pinagpapawisan ako ng malamig at umiiyak ako sa di malamang dahilan.. nasa sala ako noon at napansin ko na ang aking pwesto ng pagtulog ko ay nakatapat sa kusina.. minulat ko ang mga mata ko at......

..

..

...

..

..

NANDUN SYA .. NAGAPANG MULA SA C.R PAPUNTA SA KINAHIHIGAAN KO HUMIHINGI NANG TULONG!!!!

..

.

di ko na alam ang sunod na nangyari, pinikit ko na ang aking mga mata at tumalikod at nagtakip ng unan sa takot ng mga susunod na mangyayari.. Nagising nalang ako kinaumagahan at sinabi ng tiyahin ko na nanaginip sya nang masama kagabi, nanaginip daw sya ng batang babae na sinunog ang katawan sa c.r ng unit namen..

-let's pray for her soul nalang po. Still I don't know the history of that apartment.. I already talk to my teammates but every time that we will go to that place.. laging di kami natutuloy for many reasons that we didn't know if that was only coincidence or what.

Compilations of short scary storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon