Kapitbahay

1.2K 11 0
                                    

 years ago nang magpatayo ng bahay ang ate ko sa lupa ng uncle ko Eastern Visayas. Along national h-way naman kaya lang mga isang kilometro ang layo nung pinatatayong bahay mula sa pinaka-malapit na barrio, yung barrio kung saan nakatira yung mga uncle & his family. Mas malapit pa nga yung bahay namin sa lupang nai-donate ng uncle ko sa munisipyo para gawing public cemetery. Wala pa atang 100 meters ang distansya ng bahay namin sa sementeryo, pero hindi pa yan ang kwento... 

Habang ginagawa yung bahay, nag-apply na ang mga ate ko ng linya ng kuryente. Kaya lang hindi kaagad kami makabitan ng kuryente dahil wala pang transformer sa mga posteng malapit dun sa area kung saan kami nagpapagawa ng bahay. E di nag mga ate ko, mom and dad, kasama yung dalawang mas batang kapatid ko, tiis muna sa dilim. 

Pagkaraan ng mga dalawang linggo, may paikot-ikot na magkakabit ng kuryente sa tapat ng bahay namin. Nakailang ikot din sila bago nagtanong sa daddy ko. May hinahanap silang bahay na malaki sa area kasi daw mag nagpa-followup na daw sa office nilang matangkad na tao na mukhang mayaman at naka-magarang kotse pa daw. sabi ng daddy ko kami pa lang ang pinaka-unang magtatayo ng bahay sa area at may application din kami sa kanila. Dumating ang uncle at nang sinabi ng daddy ko na may hinahanap yung mga mamang magkakabit ng kuryente... kinuwento na nya yung tungkol sa isang taong kilala lang sa lugar na yun sa pangalang "Basilio Cari?o". 

Nakilala daw yun dun sa barrio nang minsang may nakaburol na patay... may dumating daw na magarang kotse at may bumabang matipunong lalaki. Tila naka-amerikana pa nga raw yata. Sumilip lang daw sandali sa kabaong... nag-iwan nang abuloy at pumirma ng "Basilio Cari?o". Wala daw nakakakilala dun sa mga naglalamay at di rin daw kakilala ng mga kaanak ng namatay.... 

So, sabi ng ate ko, may kapit-bahay daw kaming hindi nakikita. We are occupying the same space but not in the same dimension, paliwanag pa nya...

Compilations of short scary storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon