Masama ang makakita ng Pugot Ulo

1.3K 7 1
                                    

MARAMING BESES NA?"

Maraming beses na akong nakarinig ng mga kwentong tungkol sa taong namatay pagtapos makita ng kakilala nila (minsan hindi kilala) na wala silang ulo, hindi to partikular na pugot ang ulo kundi bakante lang ang parte ng katawan kung nasaan dapat ang ulo.. Nangyayari kahit saan,minsa naman nakukunan at lumalabas sa litrato. Naniniwala ka ba??

7 yrs old lang ata ako nung una ko tong marinig na pinagkukwentuhan ng nanay ko at lola ko dati sa probinsyang pinagbabakasyunan namin (di ko na maalala kung saan). Galing ng ikalawang palapag ng bahay may nakita ang nanay kong lalaking naglalakad habang nagbabasa ng dyaryo sa kalsada, pero wala daw itong ulo. sinabi nya yun sa lola ko at ang sabi ni lola eh hindi daw yun multo kundi isang taong malapit ng mamatay.

Isang araw naman nanonood ako sa t.v. ng balita, may balita tungkol sa isang freshly graduate student na nakunan daw ng litrato sa kanilang katatapos lang ng graduation ceremony. Wala syang ulo sa litratong un. Inanalisa ang nasabing litrato at dinala sa mga experto.

Una sa isang paranormal expert na nagsabing maaaring may masamang mangyari sa taong nasa litrato sa ganung sitwasyon. Ipinaliwanag din nya na dahil daw yun sa espiritung malapit sa taong yun (pwedeng kapamilya, kaibigan etc.) na sadyang hinarangan ang ilaw na dapat eh tatama sa ulo kaya ganun ang kinakalabasan wala kang makita dahil wala nga namang tumamang ilaw sa part na yun. Ginagawa daw ito ng espiritu bilang babala sa mahal nila sa buhay na may paparating na panganib na maaari nilang ikamatay.

Sunod sa ininterview ang video and graphics expert na tumingin sa litrato. Genuine daw at walang edit ang litrato. Pagkatapos ipakita at ipaliwanag kung paano ang proseso ng ginawang examine, nasabi nalang nito sa nag iinterview na mag ingat ang istudyante sa litrato. Paglipas ng isang linggo nabalitang buhay pa naman ang estudyante sa litrato. Hindi sya pinayagang lumabas ng bahay ng isang linggo.

Nakwento naman ng kaibigan ko ang nangyari sa kanila ng mga barkada niya sa probinsya nila dati. Kaya niya yun nakwento dahil tinanung ko sya kung naniniwala sya sa kwento ng nawawalang ulo.

ako: naexperience mu na ba yun pre?

sya: totoo yun, may nangyari ng ganun samin dati sa bulacan (province nila), birthday ng utol ng barkada ko nun nagkainan kami sa kanila. Nakita na lang namin yung isa naming kasama na walang ulo, Pero kinakausap namin sya, sumasagot naman. Nagawa pa nga biruin yun eh, tinanong ng isa naming kasama "pare wala kang ulo??". Tapos nagulat nalang kami yung isang kasama naming nakaitim na damit naghubad ng damit tapos tinaklob dun sa kasama naming walang ulo tapos tumakbo palabas ng bahay. Hinabol naman sya ng tinakluban nya. Tapos kinabukasan nabalitaan nalang namin patay na yung barkada naming tumakbo palabas ng bahay.

ako: bakit daw namatay??

sya: kasi naabutan sya eh. Ganun daw yun pag may nakita kang walang ulo tatakpan mo yung ulo ng itim na tela tapos tumakbo ka na, umuwi ka tapos maligo ka agad, o kaya kung may madadaanan kang ilog o sapa lumusong ka na agad, pag inabutan ka ng tinakluban mo ng itim na tela malilipat sayo ang dapat na mangyayari sa kanya, parang sumpa.

Pamahiin daw yun sa probinsya nila. Tinanong ko sya kung ano ang kinamatay ng barkada nya, ang sabi nya kinabukasan daw hindi na nagising, Yung nakita raw nilang walang ulo buhay parin hanggang ngayun.

Bago ang kwento ng kaibigan ko na yun narinig ko na ang urban legend tungkol sa UP diliman kung saan ang driver ng jeepney ang nag iisa nyang pasaherong estudyante sa sidemirror na wala itong ulo. Sabi sa kwento iniba ng driver ang nakasanayang ruta para maiwasan ang posibilidad na may masamang mangyari at sinabihan ang estudyante na sunugin ang kanyang damit sa oras na pag dating nya sa kanilang bahay. Nang tanungin ng estudyante kung bakit, sinabi ng driver ang nakita nya bago sya nag iba ng ruta.

Nung 1970's nakatira pa daw ang mama ko nuon sa Old Balara Q.C. , meron daw isang siga dati sa kanila na napag isip isip na magbagong buhay, Yung mga dating nakaaway nya ay naging kaibigan nya. Pero isang araw hindi na nakauwi pa ang lalaki. Sabi sa kwento inaya daw ito ng inuman ng mga kaibigan nya na dati nyang mga naging kaaway, Sa bahay kung saan sila nag inuman narinig ang mga pasigaw na pagmamakaawa galing sa dating siga sa lugar nila na unti unting pinapatay, paano? lahat lang naman ng pwedeng putulin sa katawan nya pinutol pagkatapos nyang pahirapan sa bugbug, simula sa mga daliri sa paa.. paakyat (including sex organ), sa mga daliri sa kamay isa isa.. tenga.. at ang pinaka huli ang leeg. Narinig ng mga tao ang mga sigaw pero walang nagtangkang tumulong. Kinaumagahan walang lumabas ng bahay dahil sa takot, nakita ng mga parte ng katawan sa ibat ibang lugar pero di na nila nabuo pa. Ang sabi ng ilan ang pinakamaraming parte ng katawan ay tinapon sa malaking hukay dati na ngayon ay pinaglalagyan ng pundasyon ng broadcast tower ng channel 13. Sabi ng nanay ng namatay, bago ang gabing umalis ang kanyang anak, nakita nya daw ang anak nya na bagong ligo at nasa harap ng salamin. Kausap nya ito pero ng tingnan nya ang anak nya, wala itong ulo pati ang repleksyon nito sa salamin. Hindi nya daw alam na masama ang ibig sabihin non.

Compilations of short scary storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon