PANGARAP

26 0 0
                                    


kasabay ng pagpikit ng mga mata ay ang pagpatak ng mga luha
luha na likha ng sakit na dulot ng puso kong walang tigil sa pagsunod saiyo sinta
luha na hindi ko alam kung kailan hihinto ang pagluha na hindi lang ang aking mga hilam na mata kundi ang puso kong nagdurugo na, nagdurugo, walang tigil ang pagdaloy ng dugo ng aking pusong ikaw pa din ang sinisigaw
na tila ba hindi napapaos at hindi ko alam kung kailan matatapos ang panaginip na ako ang gumawa
panaginip na ikaw lang at ako wala ng iba
ikaw lang at ako, tayo lamang dalawa
sa panaginip na merong "tayo" at saya lamang ang dala
ngunit wala nga palang permanente sa mundo
ang akala mong nakalaan sayo, ay isang malaking akala na hindi ko na ata mababago
pasensya na nakalimutan ko na parang tulad sa lirika na "oo nga pala hindi nga pala tayo"
hanggang dito na nga lang ba ako? hanggang dito na nga lang ba tayo? hanggang dito na nga lang ba mahal ko?
para kang isang bituin na napakagandang pagmasdan ngunit napakahirap abutin
ang tangi ko na lamang nagagawa ay ang humiling
hinihiling na sana ay mahulog ka sa akin, na sana ang isang tulad mong bituin ay nakalaan para sa akin
pagkat halintulad pa rin sa musika, hanggang ngayon ako'y "nangangarap na mapasayo"
nangangarap pa din ako na magbabago ang daloy ng tadhana at umaasa na ang ihip ng panahon ay tatangayin tayong dalawa
tatangayin patungo sa isa't isa
tatangayin pagkat tayo ang para sa isa't isa
alam kong malabo pero hindi masamang umasa
hindi masamang umasa hanggat kaya ko pa
kaya ko pa, kaya ko pa naman ang sakit, natitiis ko pa
hindi naman masama na pangarapin ka
oo, pangarap kita na walang kasiguraduhan kung maabot ko ba

12/05/2017
-jemayfernz

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon