Sisimulan ko sa salitang paalam hindi dahil sa gusto ko ng mamaalam kundi dahil gusto ko lang mapanatag kaya, Paalam
Paalam sa mga tawanan at asaran natin sa isa't isa na tila may sarili tayong mundo kapag tayo lamang dalawaPaalam sa mga kamustahan na laging ako ang nauuna dahil ako lang naman talaga ang may gustong lubusan kang makilala
Paalam sa lahat ng ating pinagsaluhan na tila isa na lamang magandang alaala
Ngunit hayaan mo naman akong sariwain at muling manumbalik sa panahong akala ko ay tayo na
Naalala ko nung nakita kita, nakaupo ka sa isang sulok, nakatungo habang nakapikit ang iyong mga mata, nilapitan kitaHindi ko inakalang sabay nating sasariwain ang sakit na dulot sa atin ng nakaraan
Naging sandigan sa bawat hampas ng kapalaran
At unti-unti kong natagpuan, unti-unti kong natagpuan ang aking sarili na nakangiti habang ika'y malayang pinagmamasdan
Naalala ko pa noong sinabi mong mahalaga ako sa'yo abot tenga ang ngiti at kilig na nararamdaman koMagkadaop-palad ang aking mga kamay at umaasa, umasa ako, at ayun na nga, umaasa lang ako
At pinaniwala ko lang ang sarili ko na parehas na yung nararamdaman natin dahil hindi na biro yung nararamdaman ko para sayo
Naniwala ako na pinagtagpo tayo na kahit mali ang panahon ito yung tama para sa atin, ikaw yung tama para sa akin
Pero mali na naman ako, mali na naman yung inibig kong taoKaya ito ako ngayon nag-iisa, mag-isang sinasariwa lahat ng mga alaala
Alaalang nakatatak na sa isip at nakatarak sa puso kong walang tigil ang pagdurugo sinta
Paalam sa mga alaalang hindi na natin kayang burahin pa
Pero salamat dahil ikaw ang pumawi sa mga luhang ikaw din ang dahilanSalamat dahil ikaw aking naging sandigan sa mga oras na wala akong masandalan
Salamat sa mga alaalang iyong iniwan kahit ako yung naiwan na kahit gusto kong sumama ay hindi na pahihintulutan
Salamat sa mga alaalang aking babalikan kahit nakakapagod na at wala na kong aasahan
Kaya magpapahinga muna ako dahil nagdurugo na ang puso ko
Dahil hindi ko na din kayang makipaglaro sa tadhana na lagi naman ako ang talo
Hindi ko na din kayang itago pa yung sinisigaw ng puso ko
kaya heto ako ngayon sa harap ng maraming tao sinasabi ang mga nais kong sabihin sayo
Gusto ko sanang ipaglaban ngunit wala naman talaga akong labanPasensya na, hindi ko kasi kayang sabihin sayo ng harapan na mahal kita
Hindi ako nandito para sumbatan ka
Nandito ako para magpasalamat, nandito ako para magpaalam
Paalam kasi alam kong masaya ka naHindi nga lang dahil sakin
Masakit man sabihin
Na mas masaya ka sa piling n'ya
12/04/2017
jemayfernz
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryTitle: 1. Pangarap 2. Maghihintay Ako 3. Paalam 4. Siyam na letra 5. Doble Kara 6. Marupok 7. Misery