Misery

4 0 0
                                    

Kung kailan tapos na tsaka naman bumabalik
Kung kailan ang mga lirika ay tinapos ng isang awit
Kung kailan ang himig ay paliit ng paliit
Kung kailan nawala duon naman hahanapin

Kung kailan wala ng tugtog, katawan ay umiindak
Kung kailan wala ng ingay panay ang halakhak
Kung kailan ang entablado ay wala ng patimpalak
Kung kailan tapos ng panoorin ang lakas ng palakpak

Kung kailan walang tinig panay ang pag-awit
Kung kailan ang mikropono ay binitiwan at sinabit
Kung kailan tapos na tsaka babaguhin
Kung kailan ayos na duon gagambalain

Kung kailan malapit na ay sya pang palalayuin
Kung kailan ubos na ang hininga, biglang mawawalan ng hangin
Kung kailan wala ka na tsaka ka aalalahanin
Kung kailan wala ka na duon ka mamahalin

01-19-2019
Jemayfernz

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon