Marupok

5 0 0
                                    

Guni-guni kung maituturing
noong ikaw ay nagpapaharing
na akala ko tototohanin
pero iba ang ibig sabihin

Umasa pagkat 'yong pinaasa
sino nga ba ang nagkakasala
pareho nga lang ba ng akala
bakit isa lang ang nagdurusa

Sumabay lang sa ihip ng hangin
nakuha sa ganda ng awitin
di sigurado kung sasaluhin
Ngunit sumugal pa din

Tumalon na kahit walang kasiguraduhan, nagbaka-sakali pagkat may nararamdaman, ngayon ay aking pinagsisisihan,
Sana'y binalewala na lang kita nung una pa lang

Oo nga't nagkamali ako,
nagkamali na nagtiwala sayo,
ngayon ko lamang napagtanto,
dalawa ang mata at isa lang ang puso

Kung ayos lang naman
Balak sana kitang iwasan
Ako'y nahumaling lang naman
Ngunit puso ay nasasaktan

Iniwan na parang isang lumang bagay
Sinaktan hangga't hindi na makagulapay
Pinaasa ng damdamin na akala mo tunay
Saan ba ko maghihintay?

Tingnan mo ang nangyari sakin
Masdan mo kung anong nagbago sakin
Masaya ka na ba sa nangyayari?
Asan nga ba ang bahaghari?

Asan ka na ba?
Andito pa din ako nagpapaka-tanga
Isa pang "Gusto kita"
Lahat ng nasabi ko ay wala na

01-19-2019
Jemayfernz

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon