Doble Kara

11 0 0
                                    

Kamusta? Tila yata't nag-iisa ka
Ayos ka lang ba sa mundo kung saan mo napiling pumunta?
Masaya ka ba? Iyan naman ang gusto mo diba?
Pero bakit iba ang nakikita ko sayong mga mata
Gusto kitang hawakan, pero bakit parang kang anino na di ko maaninag pag-apak ko sa dilim
Sinubukan kitang yakapin ngunit di ko magawa pagkat yakap mo ang iyong sarili
Gusto sana kitang hagkan ngunit sa bawat hakbang ko papalapit ay siya namang paglayo mo sa akin
Sinubukan kong intindihin ka ngunit di ko mabasa ang laman ng iyong isip
Bakit? Bakit ka ba nagkakaganyan?
Bakit lahat na lang ay iyong iniiwasan?
Natatakot ka bang masaktan o natatakot ka sa katotohanan?
Ayaw mong masaktan pero nawawala ka na ng tuluyan
Halos di ko na kilala ang aking nasa harapan, Hindi na kita kilala
Hindi ko na kilala ang dating mga labing nakangiti sa akin pagmulat ko pa lang ng aking mga mata
Hindi ko na kilala ang dating kay tikas kahit pa ang buong mundo'y puno ng problema
Hindi ko na kilala ang aking nasa harapan, na lahat ng aking galaw ay ginagaya, kinokopya
Sino ka na nga ba? Akala ko kilala na kita
Ngunit mali pala ang aking akala
Lahat ay parehas sa atin ngunit nag-iba ka
Nag-iba ka, Tama! Nag-iba ka
Hindi na ikaw yung dating ako, hindi na ako yung dating ako
Tutulungan kita, tutulungan kitang makaahon
Maraming naniniwala sa kakayahan mo ngunit ako lang ang makakatulong sayo
Bumangon ka! Magsimula ulit tayo!
Manalig ka! Pagkat madaming nagmamahal sayo
Maniwala ka! Pagkat walang mawawala sayo
Kumapit ka! Kapit ka lang at lahat ng masalimoot ay hayaan na lang nating maglaho
Tara na! At gumawa tayo ng panibagong yugto

10/19/2018
Jemayfernz

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon