Siyam na Letra

15 0 0
                                    

Hanggang ngayon ay nagaabang sa usapang iyong sinimulan
Kung alam ko lamang na maguguluhan hindi na lang sana kita pinaunlakan
Hanggang ngayon ay nagaabang sa mensaheng iyong sinimulan
Kung alam ko lamang na di mo paninindigan, tinapos ko na sana pagkat wala ng kabuluhan

Di ko maintindihan sistema ko ay nagulo, sa dalwang salita natuon ako sayo
Siyam na letra lang pala ang kailangan ko, para gumising ang natutulog kong puso
Abot langit ang kaba at naghuhurumentado, ikaw lang pala ang gugulo ng mundo ko
Labing dalwang letra ang ibinalik ko sayo ngunit ni isang salita walang bumalik galing sayo

Isa nga lang ba itong kathang-isip? Pagkat di ko alam kung gusto ko na bang gumising
Umpisa pa lamang pero parang ang ating ginuhit ay nagiwan lang ng bakas ng sugat at sakit
Labing apat na letra na ang aking isinatinig ngunit bakit parang hindi mo na ko naririnig
Labing apat na letra kapalit pala ay pighati kung wala ka palang maririnig na kapalit

"Mahal kita" siyam na letra na nagpabalik sa aking sistema na siya rin palang sanhi ng pagguho ng aking paniniwala
"Mahal din kita" labing dalwang letra na pinagisipan ko muna bago ko ilathala ngunit sanhi ng pagtatapos ng ating kabanata
"Mahal pa rin kita" labing apat na letra na nagbibigay pa sakin ng pag-asa ngunit siya rin palang gagawa ng sakit sa puso kong durog na durog na
"mahal kita" siyam na letra, ngunit magdudulot ng malakas na alon sa
damdamin ng sinumang papalaot sa dagat na walang nakakaalam kung saan papunta

10/17/2018
Jemayfernz

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon