Maghihintay Ako
Ilang araw, buwan o taon na nga ba ang nakalipas pero andito pa din ako
Nandito pa din ako kung saan mo ko unang natagpuan
nandito pa din ako kung saan mo ko iniwan
na para bang itinanim ang mga paa at hindi na makausad, hindi makalakad, hindi alam kung babalik ka pa o tuluyan ng lilisan
maghihintay ako
kung saan ko unang naranasan ang higpit ng yakap mo
mga yakap na tila ba isang suntok sa buwan kung ituring dahil sa tagal na ng panahon
panahon kung saan nandito ka lang sa tabi ko nangangarap na sana totoo na to
totoo na ang nararamdaman mo na parehas sana ng nararamdaman ko
maghihintay ako
kahit pa mas bumagal ang ikot ng mundo
mundong ginagalawan na sayo nakasentro
ikaw ang mundo ko, oo! ikaw ang mundo kong tila ba hindi ko alam kung mas mabagal pa sa usad ng trapiko
hindi ako maiinip mahal, hindi sana ako mainip mahal
maghihintay ako
kahit pa mapagod na sa pagsikat at paglubog ang araw
kahit pa maubos pa ang mga bituin sa langit sa kahihiling na sana may kahinatnan ang lahat
na sana tayo na, na sana ikaw na talaga, sana ikaw na lang, sana hindi iba, sana ako na lang, sana ako na lang ang para sayo nakalaan
maghihintay ako
kahit masakit na masakit na dito
masakit na masakit na yung puso ko
yung puso kong parang pinipiga sa sakit sa tuwing nakikita kitang tumitingin sa iba, sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba
na tila ba isa akong anino sa dilim na hindi mo makita, na para bang ayaw mong makita sa tuwing may nagpapasaya sayong iba
tuloy-tuloy ka lang sa pag-agos habang ako naiwan, nakatulos hondi na makasabay sayo
maghihintay ako
maghihintay pa rin ako
maghihintay ako kahit alam kong walang kasiguraduhan
maghihintay ako kahit alam kong matatalo na ko sa sugal na pinasok ko mahal
na puso ko na ang aking tinaya kahit alam kong wala sa akin ang alas
isinugal ko na ang lahat mahal kaya't maghihintay na lang ako
maghihintay ako12/04/2017
-jemayfernz
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryTitle: 1. Pangarap 2. Maghihintay Ako 3. Paalam 4. Siyam na letra 5. Doble Kara 6. Marupok 7. Misery