Pagdating namin sa school halos lahat ng mga estudyante dun ay nakatingin samin at nagbubulung bulungan pa. Ano kaya meron? Anong problema nila samin? Mukhang di rin ito napapansin ni Stacey cellphone nanaman ang inaasekaso niya.'Mukhang may something talaga besh...' Mahinang sabi ko kay Stacey at dahil sa sinabi ko agad niyang tinuon ang pansin nya sakin at binigyan ako ng clueless look.
'Tignan mo yung paligid, parang pinapagusapan tayo.' Mahinang sabi ko ulit sakanya. Agad naman siyang tumingin sa paligid na habang ngayon ay nakatuon parin samin.
Di siya umimik pero dali dali siyang naglakad patungo sa classroom namin at umupo sa upuan niya. Bakit biglaan siyang nagkaganon? At mukhang kinakabahan siya sa mga nangyayare.
'Huy??? okay ka lang?' Nagaalalang tanong ko sakanya. First time to nangyare kay Stacey ah. Pati ako tuloy kinakabahan sakanya.
'Di nila pwedeng malaman, Shayne.' Biglang sabi niya saken. Anong di nila pwedeng malaman? Di ko talaga naiintindihan. Bakit ganon nalang bigla ang reaksyon niya at ano tonh sinasabi niya ngayon?
'A-ano?' Nauutal kong tanong dahil sa kaba ko. Di ko talaga siya naiintindihan. Namumutla na siya sa mga nangyayare ngayon at wala akong magawa kundi ang e comfort siya dahil di ko naman rin alam kung ano ang nangyayare ngayon.
magsasalita pa sana si Stacey pero may biglang pumasok kaya napatayo siya agad. Sina Taylor at Bernard.
Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumama sakanya.
'Bernard, we need to talk.' Agad na sabi ni Stacey kay Bernard na ikinagulat ko, nakita ko rin sa mukha ni Taylor at Bernard ang gulat.
'Who gave you the right to talk to him?' Inis na sabi ni Taylor. Pfft. as if kanya si Bernard ah.
Tumingin sakanya si Stacey ng masama.
'Pwede ba? wala akong oras sa kaimmaturan mo kaya wag muna ngayon ah? kailangan kong kausapin tong so called boyfriend mo ngayon, tara na Bernard.' Sagot naman ni Stacey kaya walang nagawa si Taylor kundi ang manahimik na lamang, at si Bernard naman ay sumama kay Stacey palabas ng room. Naiwan tuloy ako rito kasama ng demonyitang to. Para makaiwas muna ako ng gulo lumabas narin ako ng classroom at pumunta sa school garden baka aawayin nanaman ako ng Taylor na yun eh.
Pero bigla nanaman akong napaisip kung ano ang problema ni Stacey. Bakit bigla siyang nagkaganon? at eto ah mas magulo... Bakit kailangan niyang kausapin si Bernard in a private way? anong kinalaman ni Bernard sa nangyayare ngayon? Aishhh ang gulo at wala talaga akong clue sa mga nangyayare ngayon.
STACEY'S POV
Di nila pwedeng malaman, hinding hindi. Once na malalaman nila? Im so screwed up. I really am. Di naman ganon ka big deal na malaman nila ang tunay na ako pero I want to keep my identity as a secret. AS A SECRET!
Patuloy parin akong naglalakad habang si Bernard naman ay nakasunod sakin sa likod. Habang naglalakad kame ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng tao sakin mas lalo na ngayong magkasama pa kame netong si Bernard. Nagtataka na siguro si Shayne kung bakit ko sinama yung lovie dove niya sakin. Pfft ipapaalam ko nalang sakanya mamaya.
Dumating na kame sa likod ng parking lot ng school. Siguro nagtataka kayo kung bakit dito ko siya dinala nu? Simple lang naman, dahil wala masyadong tao rito kaya wala rin masyadong makakarinig sa paguusapan namin.
'Anong problema mo?' Agad na tanong sakin ni Bernard.
Napabuntont hininga naman ako at kinausap siya.
'Pahiram nga ng phone.' Deretsong sabi ko sakanya. Binigyan naman nya ako ng nagtataka na look. Aish nakakapagtaka ba talaga tong inaasal ko ngayon?
Di siya nagsalita pero agad niya lang naman binigay phone niya sakin.
Pagkakuha ko ng phone niya binuksan ko agad ang site na yun.... ang site ng pamilya namin.
Di ako makapaniwala sa nakita ko. Di talaga ako makapaniwala. Sinong gumawa neto? sinong nagbigay ng right sa taong ito para gawin to?
Napansin siguro ni Bernard yung reaksyon ko kaya agad agad niya inagawa yung phone niya sa kamay ko at kahit siya nagulat sa nakita niya.
'Kalat na... Kalat na na magpinsan tayo, kalat na rin na ikaw ang tagapagmana sa company niyo.' Di makapaniwalang sabi ni Bernard sakin.
Oo tama yung narinig niyo na magpinsan kami, oo tama rin na narinig niyo na ako ang tagapagmana sa walang kwentang kompanya ng pamilya ko.
Oh diba baka nga gulat pa kayo ngayon kung bat ganito naging reaksyon ko sa mga balita na lumabas ngayon. Ayaw kong malaman nila ang tunay na ako dahil mas maraming responsibilidad ang makukuha ko at dapat kong gawin. I want to live a normal life, ayaw kong maraming burden. Being the heiress of my family's company is a big responsibility, responsibility na kahit kailan ay di ko mabibigay.Pano kame naging magpinsan ni Bernard? Magkapatid nanay niya and tatay ko. Oo tama yan.
'Bakit ba ayaw mong ipaalam na ikaw ang tagapagman?' Biglang tanong ni Bernard sakin.
'If ginawa ko yun, para na rin akong nagpakamatay. Alam mo bang maraming gustong pumatay sa tagapagmana sa company nila Daddy? Maraming gustong umagaw sa trono ko. Kaso wala akong magagawa dahil ako lang naman ang nagiisang anak nila, I want to live a normal life cuz. Ayaw kong tanggapin tong binigay sakin nila Dad, pero wala akong magagawa, ayaw ko rin sayangin tong blessing na to pero ayaw ko talaga.' Sabi ko at di ko na napigilan na umiyak.
Ngayon mas kilala na nila ako bilang Stacey Lim, the heiress of Lim Company.
Mukhang iiba na talaga ang ihip ng hangin ngayon lola na dahil alam na nila kung sino talaga ako.
YOU ARE READING
Campus Nerd to Campus Queen [REVISING]
Teen FictionShayne Falco is a nerd who fell inlove with Bernard Gonzales, the campus heartthrob. Loving the heartthrob is not easy, she told herself to never give up, but things started to get even messier which made her change herself, a better version of hers...