42

3.1K 108 6
                                    

Dexter's POV
Nandito ako ngayon sa office kasama si Ate Loisa at nagaasekaso ng mga papers.

"Ate, nagkita na siguro sina Bernard at Shayne ngayon? " tanong ko kay ate.

"siguro" sagot naman niya habang nakahawak sa phone niya.

Sasagot sana ako bigla nalang nahulog picture frame ni Shayne at nabasag.. Kinabahan naman ako bigla.

"ate, tawagin mo si Shayne." bigla kong sabi kay ate dahil baka may masamang nangyari sakanya sana naman wala.

"okay okay kalma ka. " sabi naman niya habang patawa tawa pa.

Tinawagan niya si Shayne ngunit di naman ito sumasagot.

"di siya sumasagot. " sabi ni ate at mukhang kinakabahan na rin.

"kinakabahan ako. Bigla nalang nahulog picture frame niya. Ni di ko naman to ginalaw ah. " kinakabhan kong sabi.

"so sinasabi mo na may nangyaring masama kay shayne? " takang tanong ni ate sakin.

"thats the point. Kaya ate try to contact her one more time. Kinakabahan na ako ate hah. " sabi ko ulit

Tatawagan na sana niya si Shayne ngunit bigla nalang nagring phone niya.

Hinarap niya phone niya sakin at pinakita kung sino ang tumatawag.

*Little sis calling.... *

"see? Told you walang nangyaring masama sakanya. " sabi niya habang nakangiti. Ngunit ako di ako mapakali at di parin nawawala ang kaba ko.

Sinagot eto ni ate loisa at nilagay sa loud speaker.

"hello Shayne?" sabi ni ate.

"hello? Is this Ms. Loisa Falco? " lalake ang sumagot at ayun mas kinabahan ako.

"uhmm yes? Bat mo hawak phone ng little sister ko? " naguguluhang sabi ni ate loisa sa phone

"This is the police station. Please proceed to myungsei hospital, naaksidente po kapatid niyo na si Shayne Falco. Nabangga po siya ng truck. Dalian " sagot ng lalake which is police.

"ano!? " sigaw ko

Binaba ni ate loisa ang phone at tumakbo palabas kasama ako dumeretso kame sa kotse at dali daling nagmaneho.

Bakit to nangyari kay Shayne? Bakit? Deserve niya ba to?

Tinawagan ko sina Stacey at ang mga kaibigan niya para sabihin kung ano ang nangyari.

Si Bernard? Kailangan pa ba niyang malaman? Siya naman din yung dahilan kung bat naaksidente si Shayne kaya di na. Di na pwede maging sila, kase dahil sakanya naaksidente ang kapatid ko. Siya lang naman din ang pwedeng pagbintangan eh.

"si Bernard ba tinawagan mo na? " tanong sakin ni ate.

"di na kailangan. " walang emosyon kong sagot.

"Dexter, walang kasalanan si Bernard. Di naman niya ginusto na maaksidente si Shayne diba? " sabi naman ni ate.

"sana kase di nalang natin siya pinapunta dun eh. Kasalanan mo rin kase pinigilan ko siya kaso ikaw pumayag ka. " inis na sabi ko sakanya.
"wow ako pa talaga? Tama ba na magsisihan tayo? Hah Dexter?!! " inis na sagot niya.

"Eh sino pa ba kase ang sisisihin? Kasalanan niyo to ni Bernard! " Napataas na ang boses ko.

Tumingin lang siya sakin at di na sumagot.

"di na talaga ako papayag na magsama ulit sina Bernard at Shayne eh." bulong ko

nung nakadating na kame ng hospital naabutan namin sina Stacey, John, Mavy, Trixie, Jeremy at Julienne at bigla silang tumakbo papunta samen.

Campus Nerd to Campus Queen [REVISING]Where stories live. Discover now