|A/N pag may errors man pagpasensyahan niyo na. Gaya nga ng sabi nila, nobody's perfect. Thank you 12.5k reads!! |
+++++
From: 0905*******
Shayne, kita tayo sa Gym, may importante akong sasabihin sayo.
Di ako sigurado kung sino, pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.
Pagkatapos kong umorder nagpaalam ako kaagad kay Jeremy na may pupuntahan lang akong importante.
Alam kong delikado na pupunta ako kahit na di ko kilala kung sino yung nagpapunta sakin. Pero, ewan, ang lakas lang ng kutob ko na siya yun.
Tumakbo ako papuntang gym, kailangan kong malaman kung sino yun naghihintay sakin dun.
Pero, pano pag siya nga? Ewan, basta mabilis akong naglakad papunta ng gym.
Pagkadating ko ng gym, may nakita akong naglalaro ng basketball, magisa lang siya. Ang galing niya lang talaga magbasketball, kahit kailan di parin siya nagbabago. Kala ko tuluyan na siyang nagbago, pero yun pala, di pa. Akala ko lang yun. Pero kahit ganon, sinaktan niya parin ako, at hinding hindi ko yun makakalimutan.
Oo, tama yung kutob ko na si Bernard yung nagpapunta sakin. Ano naman sasabihin niya? Tsaka, yung kanina umiiyak siya, may sasabihin pala talaga siya? Ewan, nalilito ako.
Umakyat na ako ng tuluyan ng gym at napansin naman ako kaagad ni Bernard.
"Shayne, nandito ka na pala." Sabi niya tapos iniwan yung bola sa sahig at uminom ng tubig bago lumapit sakin.
"Ano ba yung sasabihin mo?" Deretso kong sabi. Ayaw kong magaksaya ng oras kasama siya nuh, tsaka naalala ko, remember the sweet revenge thingy? Oo, nangyayari na yun simula nung pagkabalik ko, di mo naman silang kailangan saktan para gumanti, ang tamang paggaganti ay yung makita ka nila na mas naging masaya ka at mas naging okay ka nung sinira nila yung buhay.
"Shayne, kayo na ba talaga ng pinsan kong si Jeremy? Are you dating him?" Tanong naman niya na ikinagulat ko, bat siya nagtatanong ng ganon? Wala naman siyang pake sakin diba? Binalewala naman niya ako diba?
"Wala ka ng pakealam kung kame ba ng pinsan mo!" Inis na sagot ko naman.
"Shayne! Pinsan ko si Rem! Kaya may karapatan akong malaman, ano? Are you dating him?" Sagot naman niya. Kalmado lang pero halatang naiinis.
"Oo, kame na. Ano bang pakealam mo?" Deretsong sagot ko tapos nakita ko na bigla namang nawala yung ekspresyon niya sa mukha. Problema neto?
"Ah, ganon ba? Stay strong." Sabibniya at ngumiti, pero halatang pekeng ngiti lang yung mga nasa labi niya.
Tsaka, wait nga. Ano sabi ko? Kame na ni Rem? Oh God, bat ko yun sinabi??? Eh si Rem kase sabi niya kanina kaya eto makisakay nalang. Huhuhu, labag na labag toh sa loob ko.
"Thanks, kayo rin ni Taylor." Sagot ko kay Bernard at lumakad na.....pero..
"Shayne, wait!" Hinabol ako ni Bernard at hinarap sakanya.
"Ano ba?" Inis na sabi ko, di niya ako sinagot pero niyakap niya lang ako ng mahigpit, damang dama ko yung mga luha niya sa braso ko, pero bat siya umiiyak? May nangyari ba sakanila ni Taylor? May problema ba siya? Gulong gulo na yung isip ko ngayon, wala akong magawa, niyakap ko lang siya pabalik, ewan ko kung bat ko to ginagawa pero sa tingin ko malaki yung problema niya at kailangan niya ng magcocomfort sakanya, although di ko na siya boyfriend, may pinagsamahan pa rin kame.
Nung parang limang minuto na kameng magkayakap tinulak ko na siya.
"So-sorry Shayne, nadala lang ako ng emosyon ko." Sabi niya habang patuloy paring umiiyak.
"No no, its okay. C'mon tell me your problem, Im here to listen." Asta ko at umupo muna sa bench.
"Shayne, may kailangan kang malaman...di totoo na-" sabi niya tapos may nagsalita kaya naputol.
"Oh gosh babe, nandyan ka lang pala? I was looking for you!" Sabi ni Taylor na pawis na pawis, mukhang kinakabahan n amay mangyayaring hinid maganda sa kanya....pero ano ba yung sasabihin ni Bernard? Ay bahala na sila sa buhay nila, andyan na yung Girlfriend eh, edi dun niya sabihin sa girlfriend niya.
"Shayne? What are you doing here? Inaagaw mo ba sakin ang boyfriend ko?" Sabi ni Taylor, andyan nanaman siya sa agaw agaw thing na yan, asa nuh. Kanya na yung Bernard na yun....sakanya na, kanyang kanya na....
"No, dont worry, he is all yours." Sabi ko na nakangiti.
"Good, then shoo alis!" Sabi naman ni Taylor sakin, ano ako aso?
"Lol, Im not your dog, better talk to me in a better way slut!" Sago ko na nakangiti.....ano siya? Ako pa ba inaano niya? Pagkasabi ng pagkasabi ko nun bigla nanglaki yung mata niya.
"What did you just call me?" Inis na sabi niya sakin.
"Slut, didn't you heard me?" Sagot ko naman.
"I did." Inis na sagot niya.
"Oh yun naman pala eh, bat tinanong mo pa ulit?" Sagot ko naman.
"Babe oh, look at your Ex, Im asking her to leave properly but look ay her." Sumbong ni Taylor kay Bernard.
"Stop it Tay, Im done with you." Sagot ni Bernard na ikinagulat ko.
"What do you mean babe?" Panic na tanong ni Taylor kay Bernard.
"All these days, diba pinilit mo lang ako na makipaghiwalay kay Shayne? Dahil pag di ko yun ginawa papatayin mo siya? But now, Im not scared anymore, Ill fight for Shayne." Sagot ni Bernard na ikinagulat ko. So, all these days mahal pa pala ako ni Bernard? At naghiwalay kame ng dahil lang kay Taylor? Hiniwalayan niya pala ako para di ako saktan ni Taylor kahit alam niya na masasaktan din siya? Mahal na mahal pala talaga ako ni Bernard? Di ko lang man napansin yun simula nung nakabalik ako? Ang manhid ko naman ata, pero naguguluhan parin ako. Ang laking sacrifice na to.
"What do you mean? So all these days ako pala ang mahal mo Bernard? And not Taylor? But...why didn't you tell me about this? Why did you break up with me?" Litong tanong ko sakaniya. Ngayon litong lito ako at ang raming tanong pumapasok sa isip ko..
"Thats not true, di ka na mahal ni Bernard dahil ako na ang mahal ni Bernard." Singit ni Taylor tapos yumakap kay Bernard. Ganon ba siya kapatay kay Bernard? Gosh, desperada.
"Stop it Taylor!" Sigaw ni Bernard tapos tinulak niya si Taylor, kaya ayun nahulog sa sahig.
"Shayne, all these days, ikaw parin yung mahal ko, you are the one I love and not Taylor, alam mo yan diba?" Sabi ni Bernard tapos hinawakan niya yung kamay ko, kitang kita ko yung mga luha niya na nagfoform sa eyes niya.
"Magbabayad kayo, di pa ako tapos sainyo, I promise, you guys will suffer!" Sigaw ni Taylor bago siya tumakbo pababa ng gym.
"Bernard? Explain all of this to me." Utos ko kay Bernard.
Di siya nagsalita dahil hinalikan niya lang ako, yung halik na yun ay alam kong punong puno ng pagmamahal.
"Shayne, I will explain these all to you of you will accept me as your boyfriend again." Sabi ni Bernard habang nakahawak sa dalawa kong kamay.
"Pero Bernard, everything has changed, di na ganon kadali e balik yung date. Yes, Ill admit, I still love you, naging indenial ako sa sarili ko, pero believe me, I still love you, pero di ganon kadali e balik yung date, for now, lets just be friends." Sabi ko tapos hinila ko yung kamay ko sa kamay ni Bernard at tumakbo paalis ng gym.
Akala ko okay na ako, pero yun pala mahal ko parin siya, naging indenial ako sa sarili ko.
Mahal namin ang isat isa, pero hanggang kaibigan nalang talaga kame.
Bernard, you will always be a great memory of mine.
Sorry but everything has changed. We can't bring back our love like before.
_______________________________________________________________________
YOU ARE READING
Campus Nerd to Campus Queen [REVISING]
Teen FictionShayne Falco is a nerd who fell inlove with Bernard Gonzales, the campus heartthrob. Loving the heartthrob is not easy, she told herself to never give up, but things started to get even messier which made her change herself, a better version of hers...