bakit Magulo Ang Puso

432 3 3
                                    

Dedicated to ALL READERS! :)) Enjoy reading. ILOVEYOU. ♥

BUOD

       “ Hindi naman pinipili ang pagmamahal, kusa itong dumarating .”

       MANANG, conservative . . . .  iyon ang mga salitang nagbibigay diskripsyon kay Julietrei Hernandez. Maging ang mga kaibigan niyang walang hiya ay iyon ang tingin sa kanya. Hanggang sa nakilala niya ang gwapong si TIRABOLS . . . . . aka Michaelangelo. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng dahilan upang lalo niyang naisin at pagtiyagaang yakapin ang unan niya sa gabi.

       Paano ba niya mapipilit ang puso nito na mabaling ang pagmamahal sa kanya, kung ikinukulong at sinelyuhan na nito iyon para sa isang tao.

BAKIT MAGULO A PUSO

PART 3

“ Merry Christmas!”  anunsyo nilang lahat matapos silang mag-countdown. At dahil pormal na araw na ng pasko ay kailangan na nilang buksan ang mga gift nila.

ugali na naman nilang mag-exchange gift. Ang mga asawa naman ng mga kaibigan niya ay nagsipagbati, yumakap at humalik sa mga ito dahilan para umingos siya.

Siya si Juliet Rei o Julie sa mga kaibigan niya. Isa siyang marketing assistance sa hindi kalakihang kompanya. Gaya siya ng natapos ni Kurt na asawa ng kaibigan niyang si Angela. Nag-offer itong magtrabaho siya sa company ng ama nito but she refuse. She wants it on her way.

Sa apat, siya lang ata ang may simpleng buhay. Cristine and Phoebe were sister and at the age of 23 and 24, they were multi-millionaires Angela was a Chinese spoiled- daughter who got everything she wants before Kurt arrived. Madeline was showered with every luxurious things but she just made her life simple, a nurse with a happy family.

Napanganga at nanlaki ang mata niya sa pagbukas ng regalo ay makitang weighing scale iyon. Hindi kasama sa exchange gift ang mga asawa ng mga ito. At sa shocked ay gusto niya ituktok ang timbangan sa ulo ng kung sino man ang nagregalo nuon sa kanya.

Nabanaag niya ang impit na tawa ng mga ito, darn her for being fabulously fat.

“ Salamat ha, alam nyo, binubuhay nyo ang self-steem ko.” Sarkastikong wika niya na ikinatawa ng lahat.

She look at them. Madeline was a happy mother with Franz and their daughter. Angela seem jolly her Kurt and their beloved son Anghel. Phoebe and Jeremy, the newly wed were on the stage of their honeymoon. They got married again on the church. And even Cristine didn’t just answer Jaell yet, she bet that she would be the bride’s maid again and again.

Oo, sa lahat din ay siya na lang ang single. Ang hindi nakakaranas ng mga kamuwangan sa buhay. Gusto niyang tumili sa inggit sa mga ito. They were all contented. How about her?

Siya, ang kahalikan niya ay ang nguso ng bote ng fit n’ right. Ang kayakap niya sa gabi ay ang teddy bear na regalo ng tatay niya.pagpikit niya ay gumagana na ang isip niya sa kung anong pakiramdam ng mahalin, alagaan at pahalagahan. Kita niya duon ang isang lalaking blangko ang mukha. Anak ng teteng talaga!

Madeline raised a hand. “ Ako ang salarin . . . . . pero hindi para gawin kang katatawanan, Julie it’s just that, look at yourself!” pinasadahan siya nito ng tingin.

Umiling ito pagkawari. “ you are 25 then, alam mo na ang dapat mong gawin sa iyong lifestyle get healthy.” She has a point there.

Si Madeline kasi ang pinaka-serious sa mga ito. Ang pinakamaayos kausap sa lahat. Si Angela naman ang pinaka-approachable. Cristine was now matured and thorough. Phoebe was better than ever, because they were a like. Ang kaibahan na lang, natagpuan na nito ang one true love nito. Eh siya, she was now 118 pounds for pete’s sake!

Ibinuhos kasi niya sa pagkain ang pagiging depressed dahil sa isiping wala man lang siyang manliligaw. Paano ba naman, kung ang lagi niyang kasama ay ang apat . . . . . nothing could surely notice her beauty. Sa mall, lahat na yata ng mga lalaki ay nahuhubuan ng brief’s sa pagkakita kina Angela at Cristine na walang malamang isuot kundi micro-mini. Si Madeline na dati’y may pagka-boyish, kahit naman yata langgam ay tutulo ang laway. Si Phoebe, parehas sila ng attire nito, maong,sneakers at T-shirt pero kasing puti naman nito ang pader at flooring sa malls kaya tiyak na matitigil sa pag-inog ang mundo ng mga unang nilalang. Samantalang siya, ‘ang cute mo’ ang lagging description sa kanya na para bang napakapangit niya kapag kapiling ang mga kaibigan.

“ Take this.” Ma-awtoridad na ani Phoebe na nung isang buwan pa yata ipinipilit sa kanya iyon.

Tinanggap na lang niya ang papel na iniaabot nito. ‘There’s no wrong with trying,’ ani niya sa sarili.

“ Ralph!’ tawag niya sa baklang kaibigan. Mas mababa ang posisyon nito sa kanya.

“ Haller, I’m Caroline!” napahagalpak siya sa sinabi nito.

“ Okay. Caroline, gabi na nga pala, mag-o-overtime ka ba?” impit pa din ang tawa niya.

bakit Magulo Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon