chapter 2

117 2 0
                                    

“ Nabusog ka ba? Pasenya na, ito lang ang nakayanan ko.” Humugod siya ng pera ay iniabot kay Aling  Carinda.

“ No!” nagulat siya sa sigaw nito. “ I won’t let my precious girl pay that. I’m gonna pay that soon, pratty girl.” Inajbayan siya nito at nagpagiya naman siya.

Anong mayroon ditto at para siyang sunud-sunuran dito?

Isang buwan na siyang nagwo-workout sa fitness ‘ LOVE’ sa tulong na rin ng mysterious old-man na si Don Donatello Villapanta isang buwan na ang nakalipas. Gaano ba itong kalakas sa gym at hindi na sya kinakailangan sa proseso ng membership. Isa pa ngang kartero ang nagbigay sa kanya ng sulat na pwede na siyang mag-workout sa fitness ‘LOVE’. And she wasn’t regretting it, from 118 to 112 pounds. He. He. He.

Mula noon ay wala na siyang balita sa Don. Madalas nga siyang luminga-linga na baka sakaling Makita niya ito duon pero hindi. Sa umaga ang session ng mga not-so-young para sa aerobics at sa pagtataka ng ibang staff ng gym ay duon siya sumasama.

“ Ayaw mo ba sa hapon, maraming fafabols dun!” naalala niyang sabi ng gym instructor na si Eliza. Isa sa mga malalapit sa kanya.

Pero ayaw niya, nahihiya siyang baka Makita ng crush niya ang bahagaya niyang bilbil sa tiyan. No way! Na-ispotan niya ang ‘tirabols’ na iyon isang tanghali ng sabado habang nagpapalipad hangin sa kanya ang syokoy na si trille.

“ Hey Julie, it’s just a date. Pagbigyan mo na ako.” She snorted in disgust.

“ Trilleon Magparangalan, isang trilyong beses mo ng sinasabi sa akin iyan. At isang trilyong beses na HINDI ang sagot ko!” pagtataray niya.

“ Pero ano bang masama sa akin?”

“ Walang masama sayo, ako ang masama kaya tinatanggihan kita.”

“ You said you don’t have a boyfriend.”

“ Wala nga, asawa meron.” Pasarkastikong aniya. Aubrey Miles, saniban mo nga ako para sakalin ang syokoy na ‘to!

“ I don’t care. I could be your second man. Let’s eat this somewhere.” Tukoy nito sa isang bilaong pansit na bitbit daw nito para sa kanya.

“ Si Eliza ang yayain mo!” katrabaho nito si Eliza kaya sa  ayaw at sa gusto niya ay pagtitiyagaan niya ito habang member siya ng fitness ‘LOVE’.

Hindi na niya kilangang tawagin si Aubrey Miles dahil si Emily Rose na sumanib sa kanya sa sobrang iritasyon niya sa syokoy na si Trille. Ka-imbyerna! “ Tama na Trille pwede kaibigan pero lovers, I can’t. at ‘pag ipinagpilitan mo pa ang kahibangan mo, ibubuhos ko iyang bilao sa mukha mo.” Hindi na niya hinintay ang magiging reaksyon nito.

Tinungo niya ang pintuan palabas ng gym para magpahangin. Nagpupunas siya ng pawis ng- oooh-la-la, ang gorgeous naman ng guy na ito! Parang Coco Martin ang dating ah! Papasok ang lalaki sa fitness gym. Tinapunan lang siya nito ng tingin ng mga 2 segundo lang bago sya nilagpasan at nagmamadaling pumasok na. pwede na iyon, atleast,napalingon siya sa cute na tulad ko!

“ Julie!” untag sa kanya ni Eliza.

“ Ah-huh?”

“ Kuuu, nag-iisip ka na naman dian. Siguro iniisip mo si perfect guy noh?”

“ Haler, bata pa ako noh, madami pa ako dreams in life, dear.” Eliza wide,her eyes in disbelief.

“ Yeah, you’re young, 25 right?” sya naman ang nagulat.

“ Pssst . . . .  huwag kang maingay. Paano mo nalaman iyon ha?”

“ Sa record mo!” parang natural lang iyon ditto. “ Don’t worry, I’m gonna shut my mouth, if you’ll treat me to dinner. Hindi pwede ngayon, mamaya pa ang uwi ko.”

“ Okay. Matanong ko lang, sino ba ang may-ari nitong fitness ‘ LOVE’?” pag-iiba niya sa usapan. 

“ I won’t tell you. Baka kasi agawin mo lang sa akin. He is mouthwatering and irresistible man. Whew! Hottest jerk on earth dahil may girlfriend siyang nge-pa!” she laughed with amusement with her.

“ What?” anito sa kanya.

“ Nothing. Hindi ko sya aagawi8n sayo dahil nakakita na ako ng sarili kong tirabols ditto. Isa pa, hindi ko type ang not available guy.”

“ S-si Trilleon Magparanga---

“ NO! NO WAY! NEVER!” nabingi ito sa sigaw niya.

“ O di sige hindi, baka mabasag ang lahat ng parte ng tainga ko sa’yo eh noh.”

“ Dapat lang baka bangungutin ka mamaya na ako si Freddie Crueger at ibinibitin kita ng patiwarik sa poste ng meralco. Magiging akin din ang tirabols na iyon.” Teka, gaano ba siyang kasiguradong available ang lalaking iyon?

“ Yeah right, as if. Dream of tonight na siya naman si Frankenstein at sinasaksak ka niya ng ballpen, thirteen times.” She snorted.

" Ang corny mo!'

bakit Magulo Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon