“ Ha ? Anong pabor ? Alam mo, Leo, ang gulong umibig. Tapos,ikaw, lalo mo pa akong ginugulo. “ he chuckled.
“ Iyan ang dahilan ko kung bakit gusto kita, Julie. Magulo ka, ginugulo mo ang mga Villapanta. Pero masaya . . . . . “ Putakte ! ang gugulo ng mga tao sa paligid niya. “ Halikan mo si kuya at tapos ang drama ninyo.Tara.” Sa panlulumo ay sumama na lang siya dito.
“ Magtatanan na kayo ? “ narinig niyang sigaw ni Angela. “ Abay kami ha ? I wish you all the best, Juliet Rei. “ malamang akala ng mga ito na si Leonardo ay si Michaelangelo.
“ Ano? I wish you all the death ? “ sigaw din niya kaya tumawa ang mga tao sa bar.
“ Alagaan mo ang manang na iyan ha ?”
“ I will. “ ani Leonardo bago siya idineposito sa kotse nito.
“ Ano ‘to ?sanapinaghubad mo na lang ako, Leo.” Tumawa ito. Ang tinutukoy kasi niya ay ang two piece swimsuit na binili daw nito para sa kanya. “ At tsaka, makikita ang baby fats ko diyan.”
Nag-organize daw ito ng isang swimming party sa mansion at a-attend din si Michelangelo.
“ Kung pwede nga lang, naked party na ang in-organize ko para makita ko ang magiging reaksyon ng kuya ko. At hindi ka naman mataba eh. Kung mataba ka eh ano pa kaya si Manang Carinda.“ Oo nga pala, kaya pala hindi niya nakikita ng madalas si Don Donatello dahil abala ito sa panliligaw sa may-ari ng lugawan malapit sa fitness ‘LOVE’. Nabingwit na nga ni Aling Carinda ang puso nito. Siya na lang talaga ang naiiwan sa biyahe.
Si Cristine ay nasa honeymoon na kasama si Jaell. Last week lang ikinasal ang mga ito. As usual, maid of honor sya, ‘yun lang naman ang papel niya sa kasalan. Kundi maid of honor, bridesmaid. Try na din kaya niyang maging best man.
“ Kapag isinuot ko ba yan, titigilan nyo na ako? “ he nodded. “ Well, minsan lang naman eh. Minsan lang naman masusuka ang tao sa expose kong katawan.”
“ May bonus pa, Juliet. Ito ang pirma ko.” Binigyan siya nito ng white shirt na may print na Enchant at may pirma pa.
“ Thank you.”
Kanina pa siya palakad-lakad sa luob ng dati niyang kwarto, ng mamalagi siya sa bahay ng mga Villapanta. Paano ba siya makakalabas nito, halos nakaburles sya. Buwisit ! Humarap sya sa salamin at tinignan ang repleksyon mula roon. Kinulot ng maayos ng hairstylist na kinuha ni Leonardo ang buhok niya. Bagay naman sa kanya ang purple na two piece. Tumingin siya sa bintana subalit hindi niya matanaw ang binata na kanina lang ay napapalibutan ng sampung babae.
“ Kung bakit kasi kailangan ko pang gayahin ang strategy ni Phoebe.” nagpa- sexy din kasi ang kaibigan niyang henyo para kay Jeremy dati. “ At tinalo pa--- ay butiking buntis !” bulalas niya sabay takip ng kumot sa katawan ng marinig ang pagbukas ng pinto.
“ J-juliet Rei !” Halos panawan siya ng ulirat ng makitang si Michelangelo ang pumasok ng kwarto.
“ Hello . . . . .”
“ A-anong- ba’t ka nandito?” tumingin ito sa nagkalat niyang damit sa sahig.
“ Isinama ako ni Leo dito,” sa sinabi niya ay biglang umasim ang mukha nito. Bakit piling niya minsan nagseselos ito kay Leo.
“ At bakit ka niya isinama dito?”
“ Ginawan niya ako ng munting pabor ! Teka bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa’yo.”
“Just answer what I am asking.” Ma-awtoridad na anito. “ Anong klaseng pabor iyon?”
“Pabor daw na lumigaya ako, Michelangelo.”