Chapter 8

95 2 0
                                    

“ Phoebe . . . . .”

Tilian ang mga kaibigan niya. Minsan tuloy naiisip niya, milyonaryo ba talaga ang mga kaibigan niya? Mas jologs pa kasing umasta sa kanya kung minsan eh.

“ Tama ang hinala naming, beybi. In love ka!” tili ni Angela kaya nahawa na rin ang iba. “ Nadulas na si Phoebe.”

“ Kay Michaelangelo ba, Julieta?” tanong ng tatay niya na kalalabas lang mula sa kusina at may dalang Lemonada. “ Pumunta na dito ang batang iyon, napakabait na bata.” Lalong nagtilian ang mga kaibigan niya.

“ Tay . . . . . “

“ Aalis muna ako.”

“ Aba iskultor pa pal aiyon, Michaelangelo . . . . . sosi!” binato niya ang mga ito ng throw pillow.

“ Nanbato pa ang bokayo.” Asar pa ng mga ito.

Pero sa gilid naman ng mga labi niya ay pinipigil na rin niya ang mapangiti. Kahit naaasar naman siya ay may tila kumikiliti sa puso niya para siya ay kiligin.  Gano’n yata talaga lalo at involve si Michaealangelo, ang pagong, ang pagona daw, ang atheist- hek-hek.

“ O bakit? Kaya nga throw pillow eh, pambato.” They all grinned.

“ Iyan ang proof, in love ka na nga, corny ka na din. Like us.”

Wala na talaga siyang nagawa upang mapatahimik ang mga mang-aasar na kaibigan niya. Ikinuwento na lang niya sa mga ito ang lahat, walang labis at walang kulang. As usual, narinig na naman niya ang nakatutulig na tili ng mga ito.

“ A la Romeo and Juliet pala ang drama mo . . . . . “

“ Hindi . pwede ring Pieta.” Tawanan ang mga ito.

Gawin ba silang mga-ina ng mahal niya? Okay. Hindi na sya ngayon nahihiyang aminin sa sarili niya na mahal na nga niya ang binata.

“ Napakasarap pala ng hangin sa umaga lalo na at makakakita ng napakagandang dalaga.” She was back in reality.

Nasa ancestral house na siya ng mga Villapanta. Duon siya mamamalagi habang isinasagawa ang plano nila ni Don Donatello. Wala lang sa mansion ang Don ngayon dahil sa samu’t-saring trabaho, ang  alnanm niya’yo si Rafael ang katulong nito ruon at maaasahan din si Michaelangelo sa negosyo. Si Leo lang ang happy-go-lucky sa tatlo. At heto na naman ito, nag-uumpisang makipag-flirt sa kanya. Hindi kita papatulan, Leo.

“ Ugali mo talagang pumuri ng mga babae noh.”

“ Not really, Julie. Minsan lang kapag talagang nagandahan ako sa isang babae, kaya maswerte ka dahil talagang mahusay ang taste k.” she laughed.

“ Hmmm, sana naging panlasa ka na lang.”

“ Ouch, I’m hurt.”

“ Leonardo, bakit hindi ka tumulong sa negosyo nyo?” sumeryoso na ito.

“ Hindi iyon ang gusto ko.”

“ Ano bang gusto mo?”

“ Secret.”  Sabay bulong sa tainga niya. “ pero alam ko, itong gusto ay gusto ng lahat ng tao.” Kinilabutan siya dahil sa pagbulong na ginawa nito sa kanya.

“ Yung pangarap, hindi siguro iyon gusto ng masa.” Tumawa ito.

“ Sa totoo lang, bagay yata talaga sa akin ang pangalan ko, uso kasi ang Ninja Turtle ng ipinanganak si kuya Rafael. Ipinangalan sa amin ni daddy since Donatello na din ang pangalan niya.”

“ You want to be a painter?”

“ Not just a painter, sculptor, engineer, architech. Anything that makes me happy.” Hindi niya alam na maganda at may sense din pala ang pangarap ng isang ito.

bakit Magulo Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon