Chapter 6

61 2 0
                                    

“ Pasensya na Julie, wala dito ang magaganda kong amo. Umiikot na kasi ang buhay nila sa tamis ng pag-ibig.” Konti na lang bubuhusan na niya ng wine si Rizza. Inggitin ba talaga siya.

Nagtungo siya sa Crisbe Bar, ang pinaka espesyal na lugar sa apat niyang kaibigan. Pag-aari ito nina Cristine at Phoebe. Ang bar ay naging saksi sa pagkabigo at pagiging happy ending ng love life ng mga ito. Sa bar unang nagtagpo sina Angela at Kurt. Dito din nakitang muli ni Madeline ang first love at asawa na ngayong si Franz. Sa bar din na-develop si Cristine kay Jaell. At, sa bar din na-realize ni Jeremy na hindi pa nawawala ang pag-ibig niya para kay Phoebe kahit na lumipas pa ang ilang taon. Ano naman kaya ang magiging kwento niya sa espesyal na lugar na ito? Wala siguro. Ay, meron pala! Her heart skipped a beat afther seeing Michaelangelo in one of the tables nearby her. Ang kaso, biglang nalaglag ang mga balikat niya ng mamataan si Vanessa, mukhang galling lang ito sa washroom. Ngayon, may’ron na siyang sariling kwento sa makasaysayang Crisbe Bar, ang aking unang heartbreak ay naganap dito. Bow.

“ Ang sweet naman nila ‘no?” ani sa kanya ni Sebastian na ang tinutukoy sy sina Michaelangelo at Vanessa. “ Pero mas sweet pa din kami ni Rizza!” umakbay pa ito sa huli.

Ito’y pawang mga empleyado sa Crisbe bar at hindi lang iyon, lovers din sila…

Buti pa si Rizza may love life, samantalang ako wala… haizt..

She snorted bago tinungo ang daan patungo sa powder room. Umarangkada ulit ang puso niya matapos magtama ang mga mata nila ni Michaelangelo. Madaraanan kasi niya ang table ng mga ito. Maging si Vanessa ay nakita siya, na-guilty tuloy ulit siya. Ngumiti ito ay tumayo.

“ Ikaw si Juliet Rei, right?” tumango na lang siya sa pagkabigla. Vanessa was talking to her.

“ I’m Vanessa Smith, love’s girlfriend.” Love? Mga tampalasan . . . . . hek-hek joke lang, ginaya lang naman niya iyon sa panonood niya ng senakulo. “ He’s been talking to you always, I’m greatful he got friend like you.” Ha? Kalian pa sila naging mag-friend nito? Friend na pala ngayon ang tawag sa taong matapos itong halikan ng matagal at malalim?

Nakipagkamay siya dito. “ A-e . . “ i-o-u. “ Nice meeting you.” Si Michaelangelo ay mataman lang na nakatingin sa kanila at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.

“ You’re cold, ‘wag kang kabahan, Juliet. I was them harmless.” Anito ng magbitiw ang mga kamay nila nito. “ I should invite you on my birthday this coming Saturday, please?” itinago niya ang pag-ngiwi niya.

Umalis na nga siya sa gym ng binata para umiwas sa gulo tapos a-attend pa siya sa birthday party ng girlfriend nito. Kung hindi tunay na magkarelasyon ang dalawa ay masasabi niyang magaling umarte ang mga ito.

“ Love, ok lang sa’yo dib a? pilitin mo si Juliet na pumunta sa birthday party ko. Bilis na.” nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Hindi alam ng binata na nag-quit na siya bilang member dahil kina Eliza, Trille at Marie lang niya sinabi dahil kailangan naman ng sign ni Marie para mapawalang bias na ang membership paper niya sa fitness ‘LOVE’. speaking at it . . . . . love pala ang endearment ni Vanessa kay Michaelangelo, kaya pala . . . . . hango sa pangalan.

“ Juliet, come and join us . . . . I’ll assure you, magiging feel at home ka duon.” Malamyos ang pagkakasabi niya noon kaya imbes na umiling ay naging tango ang tugon niya.”

“ Hindi ko alam ang bahay mo, Vanessa.” Nakayuko siya dahil baka kapag nag-angat siya ng ulo at mapabaling sa binata ay himatayin na siya. Her knees were shaking as a vibrating phone.

“ Don’t worry, si love na ang bahala sa’yo.” Her eyes widened. “ Just give him your address.” Ngumiti pa ang babae sa kanya.

Oh my! She was a real angel.

bakit Magulo Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon