Kabanata 2
[Louise Jadelyn's POV]
"Lj! Bakit mo ginawa 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Claire sa'kin habang nasa loob na kami ng library.
"Nainis ako eh. Napaka-arogante niya kasi." Sagot ko habang hindi naka-tingin sa kaniya. Busy kasi ako sa pagpupunas dito sa mantsa na nasa uniporme ko.
Nakakainis naman eh! Need ko pa tuloy 'to ipa-laundry dahil grabe yung pagka-mantsa niya.
"Loko ka talaga! Paano kung mabukulan yun? Or worse mag-karoon siya ng hemorrhage?" Tarantang tanong ni Claire sa'kin. I frown as I look at her.
"Ang oa mo bess! Hindi naman ganoon kalakas yung pagkaka-bato ko atsaka isa pa magaan lang yung sapatos ko!" Saad ko sa kaniya.
"Sssh!" Napa-tingin naman ako sa librarian na sumaway sa'min. Hehehe masyado palang napa-lakas yung boses ko.
Tumingin ako kay Claire. "Atsaka mukha namang matigas ang ulo non kaya kahit batuhin ko pa ata ng bato 'yon, hindi iyon tatablan." Pilyang saad ko.
"Lj!" And Claire narrowed her eyes on me. Napahagikhik na lang ako. Minsan talaga ang sarap ding asarin nitong si Claire.
Feeling ko naman hindi nabukulan yung isang 'yon sa ginawa ko, hindi rin siya makaka-hemorrhage dahil magaan lang naman ang sapatos ko. Atsaka deserve ng lalaking 'yon ang ginawa ko. Napaka-arogante eh! Akala mo kung sino!
Pagka-tapos kong batuhin ng sapatos yung lalaki kanina ay umalis na din ito agad at hindi na niya ako pinatulan pa. Aba dapat lang! Siya naman 'tong may kasalanan. Ang kapal na ng mukha niya kung papatulan niya pa ako noh!
Nanumbalik sa'kin ang mukha ng lalaking arogante na 'yon.
He wears a cold expression and a pair of deep-set eyes. It's blank and brooding. Nakaka-intimidate siya kung tumingin. And his nose? It's straight and a bit aristocratic. His lips were form in a thin straight line. At yung jawline niya? Yeah, it's perfect. Napaka-manly ng dating niya. Yung buhok naman niya ay may kahabaan ngunit bumagay sa hugis ng kaniyang mukha.
Ang gwapo niya. Sa totoo lang muntik na akong matulala sa ka-gwapuhan niya. Alam niyo kung hindi lang siya arogante baka naging crush ko pa iyon eh!
"Iniisip mo siya noh?" Narinig kong saad ni Claire sa'kin. Napa-maang naman ako sa kaniya. "Huh? Hindi noh. Never!" Tanggi ko kahit halatang-halata naman ako.
Ngumiti naman ng nakaka-loko si Claire sa'kin. "Sus! Na-gwapuhan ka noh?"
I frown as I averted my eyes from her. "H-hindi ah. Chaka niya!" Tumawa na lang si Claire at nag-focus na ito sa pagba-basa.
Isang oras lang ang naging free time namin kaya after namin tumambay sa library ay dumiretso na kami sa pangalawang subject namin for this day.
Naging mabilis lang ang takbo ng unang araw ng klase namin. Wala naman masyadong nangyari except na lang talaga doon kay arrogant guy.
Nag-paalam na si Claire na mauuna na siya sa'kin umuwi dahil maaga raw siyang dinaanan ni Mang Ben, yung family driver nila.
May kukunin pa kasi ako sa locker ko kaya pinauna ko na lang siya. Nakaka-hiya naman kasing pag-intayin si Mang Ben.
Nasa locker room na ako ng biglang sumara ng kusa yung pinto. Kunot-noo akong nag-lakad sa may pintuan atsaka pinihit pa-bukas ang doorknob.
"Huh?" Laking pagta-taka ko ng ayaw bumukas nung pinto. Parang may naka-harang na kung ano mula sa labas upang pigilan ito sa pag-bukas.
"Hey! May tao ba diyan? Can you please open the door?!" Sigaw ko as I tried to open the door again but to no avail.
Sino naman kaya ang Poncho Pilato na nag-sara ng pinto at nag-lagay ng harang sa labas? May nangt-trip ba sa'kin?!
BINABASA MO ANG
The Gangster's Luna
General FictionNo matter how stupid you are, no matter how bad you are, Even if you are a Gangster, I still love you forever. - Louise Jadelyn Min What if you met a gangster along the way? A stupid gangster? Will you fall in love with him? Or you will stay away fr...