Kabanata 4
[LJ's POV]
Nagka-titigan kami ni Rain. Sinusukat ko kung siryoso ba siya o nag-bibiro lang.
Hindi ko kayang maka- sama ng isang buwan ang lalaking 'to! Hangga't maaari ayokong mag-tagpo ang mga landas namin. Ni ayaw kong mag-kita kami, mag-kasalubungan o ano pa man.
Hindi ko naman ipagkakalat yung nakita ko! I'll keep my mouth shut kahit nakaka-usig ng konsensya!
"Are you damn serious?" Nanunukat kong tanong sa kaniya.
Bumalik siya sa pagkakaupo at dumekwatro. He even crossed his arms on his chest. His cold eyes darted on me and it's enough to make me shiver.
"Do I look like I'm kidding here?" He said in his cold voice.
Napa-lunok naman ako. Damn! So, siryoso talaga siya?
Nah! I can't bear to be with this man! Feeling ko kapag sumama ako sa kaniya may kinalaman na din ako sa ginawa niyang krimen kagabiat ayoko ng ganoon!
Why do I need to be in this situation! Nakakainis!
Wala naman akong kinalaman sa nangyari kagabi. Sadyang nasaksihan ko lang kung ano yung nangyari. Oh please, help me to get out of this situation! Ang mali ko lang naman ay nakipag-negosyo ako sa lalaking 'to na huwag ipag-sabi ang kung ano mang nakita ko kagabi. Urg!
"Ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo ako? Look Rain, ilang beses ko na ba sinabi sayong tatahimik ako sa nakita ko kagabi? Hindi ako mag-iingay, hindi rin ako magsu-sumbong sa pulis!" Giit ko dito.
Hindi talaga ako papayag sa gusto nito. No way!
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siya nakakatitig sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Wala akong ideya. Ang hirap niyang basahin. Walang pinapakitang expression ang mukha niya, miski ang mga mata niya ay nanatili lang ding malamig at walang emosyon na makikita mula dito.
This guy is so damn mysterious!
"Kung wala ka nang sasabihin pa, aalis na ko. May klase pa ko. At huwag mo na ulit ako lalapitan pa. This is our last conversation. If you excuse me." Yun lamang at iniwan ko na siya. Dire-diretso akong lumabas ng library at nag-lakad patungo sa klase ko.
Napa-hawak ako sa aking dibdib. Sa totoo lang, kanina pa ang lakas ng tibok nitong puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa kaba at takot na dulot ng presensya ni Rain.
Sa buhay ko dito sa SCU, ngayon ko lang na-encounter ang isang Rain Park. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin siya nakaka-salubong dito sa school. Ni hindi ko nga alam na nag-eexist pala ang tulad niya eh.
Unang beses ko lang siya na-encounter kahapon at talaga namang ang ganda pa talaga ng una naming pagki-kita. Please take note of the sarcasm okay? Akala ko ignorante lang siya, yun pala may tinatago rin siyang ugali na hindi mo mahahalata sa hilatsa ng kaniyang mukha.
But looks can really deceive people. Mukha lang isang maamong tupa si Rain kung titignan pero ang totoo niyan isa siyang nakakatakot na tupa na umaatake sa kapwa niya.
At aminado akong isa ako sa mga na-deceive niya. And now he wants me to be with him para masigurado niyang mananahimik ako tungkol sa nasaksihan ko.
Hindi na yun kailangan dahil mananahimik ako. Hindi ako magisasalita dahil alam ko kung anong kaya niyang gawin if ever na mag-ingay ako.
Alam kong pinaglalaruan lang ako ni Rain. And I absolutely don't want to play his effin games.
"Lj? Are you okay?" Bungad na tanong ni Marie Claire sa akin pag-upo ko sa katabing silya niya dito sa classroom namin.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Luna
Fiksi UmumNo matter how stupid you are, no matter how bad you are, Even if you are a Gangster, I still love you forever. - Louise Jadelyn Min What if you met a gangster along the way? A stupid gangster? Will you fall in love with him? Or you will stay away fr...