Text Message

6.3K 289 16
                                    

Jade's POV


Hindi ko inaasahan ang biglang pagyakap sa akin ni Althea. Ang sarap lang sa pakiramdam na makulong sa kanyang mga bisig. Gusto ko sanang gumanti ng yakap sa kanya. Subalit wala akong lakas ng loob. "I love you Jade.." Nanlalaki ang mga matang kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinakatitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata upang suriin ang kanyang sensiridad sa kanyang sinabi.

"A-anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kulang na lang ay humiwalay iyon sa katawan ko.

"Mang Fredie pakitigil nga po ng sasakyan sa isang tabi and please bumaba muna po kayong sandali." Utos nito sa driver na agad naman nitong sinunod.

Pagkalabas ng driver ay agad niya akong hinarap. "Hindi mo ba talaga narinig ang sinabi ko?"

"Narinig ko pero gusto ko lang marinig ulit."

"Kapag inulit ko may katapat yon na kiss ng 30 seconds." Nakangisi niyang sagot sa akin. "Ano payag ka ba?"

Napa-ingos ako. Anong akala niya sa akin, easy to get? "Di bale na nga lang, pabalikin mo na si Mang Fredie. Para makita ko na ulit ang Dada ko." Ipinaling ko ang tingin ko paiwas sa kanya. Sa halip ay kinabig nito ang ulo ko paharap sa kanya at ginawaran ako ng mapusok na halik sa labi. Hindi ako nakapalag dahil sa sensasyong dulot sa akin ng mga halik niya. Napakalambot at napakatamis ng kanyang mga labi. Hinayaan ko lang siya hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na tumutugon na rin sa mga halik niya. Mas lalo pang lumalim iyon na may kasama nang pag-ungol. Nagtagal pa iyon ng ilang minuto saka lang siya tumigil at pareho pa kaming humihingal na nagkatitigan.

Muli niyang kinabig ang ulo ko at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "I said I love you.."

Napangiti lang ako ng malapad dahil sa sobrang kilig. Pero hindi ako sumasagot. Kaya't inilayo niya ang mukha sa akin at tiningnan ako ng diretso sa mga mata. "Are you not going to say anything? I said I love you.."

"What do you want me to say?" Hamon ko sa kanya habang nangingiti.

"Pumapayag ka bang maging girlfriend ko?" Walang pasubaling tanong niya.

"Girlfriend agad? Hindi mo man lang ako liligawan?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

Sa halip ay tumawa siya na aking ikinainis. "Kailangan pa ba yon? Nagpapahalik ka na nga sa kin eh. And take note dalawang beses mo pa akong ninakawan ng halik."

Naningkit bigla ang mga mata ko sa inis dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. "Ah ganon? Okay fine! No more kisses from now on hangga't hindi pa tayo. Is that clear?"

Ang masayang mukha niya ay napalitan ng ibayong lungkot. Para na siyang maamong tuta ngayon na sobrang cute. "Wait lang naman. Nagbibiro lang ako Jade. Sige na liligawan na kita pero huwag mo naman alisin yong kiss."

"No, no, no! I'm not going to change it anymore. You pissed me bigtime."

She took a deep breath and rolled her eyes. "Alright! Fault of my big mouth. You're the boss now." Naiiling na ibinaba na nito ang tinted na bintana ng sasakyan. "Mang Fredie, lets go!" Agad na tumalima ang may edad na lalaki.

Lihim na nagbubunyi ang aking kalooban. Ang mapasunod siya sa aking kagustuhan ay napakalaking bagay para sa akin. Dagdag pogi points ika nga. Bagaman gustong-gusto ko rin ang mga halik niya ay kaya kong namang magtiis.

Inihatid lang talaga niya ako sa may entrance ng hospital at hindi na sumama sa loob para makilala siya ni Dada. Kapag sinagot ko na lang raw siya saka siya magpapakilala ng formal sa pamilya ko.



She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon