The punishment

6.9K 258 13
                                    

Jade's POV


"Sure ka, ayaw mo talagang sumama sa akin sa loob?"

"Hindi pa masyadong magaling ang Dada mo Jade. Baka mamaya atakihin sa puso yon kapag hindi niya ako nagustuhan para sayo."

Tama siya, hindi ko pa alam kung anong magiging reaksyon ng pamilya ko lalo na si Dada kapag nalaman nila ang tungkol sa amin. I let out a sigh and held her hand. "Thank you kasi mahal mo ako." Madamdamin kong sabi sa kanya.

"So kailangan ko rin bang magthank you sayo kasi mahal mo rin ako?" Dahil sa isinagot nito ay pinanggigilan ko na naman ang matangos niyang ilong." Aray-araay!" Saka ko lang binitiwan nang pakiramdam ko ay namumula na iyon sa sakit. "Paborito mo talagang saktan itong ilong ko." Aniyang sapo-sapo ang nasaktang bahagi ng ilong niya. Tawa lang ako ng tawa sa naging itsura niya. Ang cute-cute kasi niya, halatang medyo napipikon na sa akin.

"Seryoso kasi ako sa sinasabi ko tapos hihirit ka ng ganyang sagot. Yan tuloy napala mo sa kin."

She rolled her eyes at me. "Napaka-bayolente naman ng babaeng pinili mong mahalin." Parang batang kausap niya sa dibdib sa tapat ng kanyang puso. Mas lalo tuloy akong napatawa sa kanyang kabaliwan.

"So pano? I have to go na my princess charming." Hinalikan ko ang namumula niyang ilong. "I love you.." Wala akong pakialam kung naririnig man kami ni Mang Fredie. Palagay ko naman ay sanay na ito sa aming dalawa ni Althea.

"I hate you!" She pouted her lips and looked away.

Nalungkot ako sa kanyang tinuran. Siguro nga totoong napikon siya sa ginawa ko. "I'm sorry.. naiintindihan ko kung galit ka. Hndi ko alam na nakakasakit na pala ang ginagawa kong paglalambing sayo." Ngunit hindi pa rin niya ako kinikibo. Kaya't binalingan ko na si Mang Fredie. "Mang Fredie ingat po kayo sa pagda-drive."

"Opo Ma'am Jade." Nakangiti nitong tugon na hindi lumilingon sa akin.

Sinulyapan ko ulit ang tila nagtatampo pa ring si Althea. Saka ako nagpasyang buksan na ang pinto palabas ng sasakyan. Ngunit bago pa mangyari yon ay nakabig na ako nitong payakap. "Joke lang naman mahal ko. Kahit panggigilan mo pa ang matangos kong ilong ay hindi ako basta-basta magagalit sayo."

Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan nang maramdaman ko ang pasimple niyang paghaplos sa dibdib ko. Habang ang mukha niya ay nakasiksik naman sa leeg ko.

Busy si Mang Fredie sa hawak na celpon kaya wala itong pakialam sa nangyayari sa amin na nasa likuran lang nito.

"A-althea.." Mahinang daing ko sa kanya.

"Hmm?" Aniyang mas lalo pang isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Nasa tapat lang tayo ng bahay namin. B-baka magtaka sila na may sasakyang nakabalandra sa labas ng aming bakuran." Saka lang ito tumunghay sa akin at binitiwan na ako sa kanyang pagkakayakap.

"Miss na agad kita." Malambing niyang sabi sa akin.

Napangiti ako sa kanyang ka-cutan. Para talaga siyang bata kung minsan. Unti-unti ay nakikilala ko ang tunay na Althea sa likod ng pagiging big boss nito na nagmamay-ari ng isang malaking kompanya. "May bukas pa po. Huwag ka na ma-sad."

Ngumiti ito ng matamis sa akin. "Nag-aaya nga pala magbar sina Chynna sa akin para daw icelebrate yong pagiging mag-on natin." Nag-isip siyang sandali habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. "Ano kaya kung magbeach na lang tayo?"

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Kung sa beach niya gustong magpunta ay maraming pwedeng   mangyari. Bukod sa masosolo namin ang isa't-isa ay makakatabi ko pa siya sa pagtulog. Pinamulahan ako ng mukha habang naiisip ang mga bagay na iyon.

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon