Jade's POV
Hindi ko alam kung paano ko susuyuin si Alwin. Napakailap niya sa akin na tila kahit anong sabihin at gawin ko ay parang hangin pa rin ako sa kanya.
Ipinagdala ko siya ng paborito niyang yema cake. Pero ang sabi niya hindi na raw niya paborito yon. Tinanong ko siya kung anong paborito niya para yon na lang ang bibilhin ko next time. Ngunit ang sagot niya sa kin ay si Tita Cathleen daw niya ang paborito niya at hindi ko raw iyon kayang bilhin. 😞 Makirot iyon sa dibdib pero kailangan kong tanggapin. Marahil nasaktan siya ng sobra sa nasaksihan niyang kalungkutan sa Mommy Ninang niya noong lumayo ako.
Umakyat na siya sa hagdanan pataas patungo sa kanyang kwarto. Ilang ulit siyang tinawag ni Althea ngunit dire-diretso lang ito na parang walang naririnig. "It's okay love. Hayaan muna natin siya." Pigil ko rito nang magtangka itong sundan ang pamangkin.
"I'm sorry Honey. Papasensyahan mo na lang muna siya. Yaan mo at kakausapin ko siya ng masinsinan."
"It's fine love. I understand. And besides, kasalanan ko naman talaga eh. Ang kailangan ko lang gawin ay ang bumawi sayo at pati na rin sa kanya." Hinaplos ko ang kabila niyang pisnge at pinakatitigan ko siya sa mga mata. "Ang inaalala ko lang love, malapit na ulit akong umalis." Nalungkot itong bigla at nag-iwas ng tingin sa akin. "Hey, love! Don't be sad. Wala nang dahilan para magtagal pa ako sa Paris."
"Naiintindihan ko naman yon Honey. Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi malungkot.
Gusto ko kasing nakikita kita araw-araw.""Sus! Halika nga dito." Niyakap ko siya ng todo. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito. Kaya tuloy nagiging obssess at possessive na ako sa kanya kung minsan. Ang dali ko rin magtampo or mainis kapag may nagawa or nasabi siyang hindi ko gusto. 😁 Anyways! Gustong-gusto ko rin naman kasi na sinusuyo niya ako. Kunwari pakipot sa una para masaya. 😂
"Kelan ba kasi ang flight mo honey?" Malungkot pa rin niyang tanong sa akin habang yakap-yakap ko pa rin siya. "Halos one week ka pa lang namin nakakasama eh. Tapos paalis ka na ulit." Maktol niya sa akin na animoy bata.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya upang magkaharap kami. "Konting tiis na lang love. Okay? Huwag ka na malungkot."
Marahas na napabuntong hininga siya at wala pa ring kangiti-ngiti sa mukha. "Kung sana nakinig lang sa akin itong puso ko na si Cathleen na lang ang mahalin. Eh di sana hindi ako nalulungkot at namomroblema ng ganito ngayon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nahampas ko siya ng malakas sa braso. "Aray naman honey!" Sabay himas niya sa nasaktang braso.
"Iniinis mo kasi ako eh. Alam mo namang allergic ako sa pangalang binabanggit mo." Sa halip ay napahagikhik pa siya ng tawa na lalo kong ikinainis. "Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! Uuwi na ako!"
"Oops! Sandali lang honey. Nagbibiro lang naman ako." Pigil niya sa braso ko na sumeryoso na ang mukha. "Ipinagpaalam kita kay Tito Oscar. Ang sabi ko dito ka matutulog ngayong gabi."
"Aba't ako ba ay tinanong mo na kung gusto kong matulog dito?" Inis na tanong ko sa kanya.
Binitiwan niya na ang braso ko at malungkot siyang napatungo. "Ganon ba? Sige ihahatid na lang kita sa inyo pauwi." Paatras siyang humakbang palayo at tumingin ulit sa akin. "Sandali lang honey ha? Kukunin ko lang yong susi ng kotse sa kwarto ko."
Ngunit hahakbang pa lang siya patungong hagdanan nang muli akong magsalita. "Althea napipikon na ako sayo!" Sa pagpihit niyang muli paharap sa akin ay mabilis na akong nakalapit sa kanya. "May sinabi ba ako sayong ayoko? And kung sasabihin kong ayoko, hindi mo man lang ba ako pipilitin?"
"Kung pipilitin ba kita, papayag ka ba?" Hindi agad ako nakasagot. Dipende naman kasi yon kung pano niya ako lalambingin para mapilit. "Ayokong nagagalit ka sa kin honey ko. Kaya okay lang sa akin kung mas gusto mong umuwi."
BINABASA MO ANG
She's The One
FanfictionOne more JaThea love story ❤ Pakikiligin na naman kayo ng panibago nilang kwento ng pag-ibig.