Althea's POV
Halos lahat ng mga tourist spot sa Paris ay napuntahan na namin ni Jade. Siya yong nagsilbing tour guide ko. Bagaman napuntahan ko na rin minsan ang bansang ito at minsan na ring nakapaglibot. Ngunit ngayon ko lang ito sobrang naappreciate. Well, siguro dahil kasama ko ang pinaka-special na tao sa buhay ko.
"Love baka matunaw na ako niyan." Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siyang tinititigan. Gandang-ganda lang kasi ako sa mukha niya. Baby face at para talaga siyang barbie doll. Hindi nakakasawang pagmasdan.
"I'm sorry honey ko. Ang ganda mo kasi eh." Napatawa ako nang bigla siyang mag-make face na animoy monkey. "O..kay pero maganda ka pa rin talaga eh."
"Pareho lang tayong maganda love ko. Halika nga rito." Nagback-hug siya sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Kisay-kisay na naman ako sa kilig. "Okay ka lang love ko?" Natatawa niyang tanong nang tila maramdaman niya iyon.
"Tss! Paano ako magiging okay kung may magandang babaeng nakayakap sa likuran ko?" Naiiling na balik tanong ko. Napahagikhik siya ng tawa at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"I love you so much love ko." Nag-init ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa leeg ko habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin. We're here in the most romantic place in Paris dahil nasa tapat kami ngayon ng Eiffel Tower. Super nice ng view. Gusto ko sanang magpropose ulit sa kanya. Ngunit kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Kung hindi nyo po naitatanong ay palagi ko pong dala ang engagement ring sa tuwing magkasama kami. Nagbabaka sakaling makatiyempo ng tamang pagkakataon.
"I love you more honey ko." Pumihit ako paharap sa kanya at nagkatitigan kaming dalawa. "Naalala mo ba ang promise mo sa akin dati?"
Matamis na napangiti siya sa akin. "Alin doon? Marami kasi akong naipromise sayo."
"Na ano.." Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisnge. "Basta alam mo na yon honey ko."
Muli siyang napahagikhik ng tawa. "Ang cute mo talaga love ko. Alin nga don? Sige na sabihin mo na sa akin para matupad ko na."
"Talaga honey ko? Hindi ka nagbibiro?" Bumagna ang excitement sa mukha ko.
"Ano ba yan love ko! Parang bigla akong kinabahan sa sasabihin mo. Ano ba kasi yon?"
Magsasalita na sana ako nang may tatlong binatilyong kalalakihan ang rumaragasang paparating sakay ng kanilang mga bike. Agad na hinila kong pakabig sa akin si Jade dahil konti-konti na lang ay mahahagip na siya ng mga ito. "Siraulo ang mga yon ah!" Galit na litanya ko habang yakap-yakap siya sa aking mga bisig. "Okay ka lang honey ko? Nasaktan ka ba?" Binitiwan ko siya upang inspeksyunin kung okay lang ba talaga siya. Halata pa rin ang pagkagulat sa mukha niya.
"Thank you love ko. Muntikan na ako don." Aniyang napahawak sa kanyang dibdib.
Niyakap ko ulit siya ng napakahigpit. Natakot rin ako sa muntikang mangyari sa kanya kanina. "Makakapatay ako ng tao honey ko kung may nangyaring masama sayo."
"Sshh.. kalmahan mo lang love ko. Dahil okay na okay po ako. Hmm.. Ang mabuti pa ay bumalik na lang tayo sa apartment. Ipagluluto na lang kita ng mga paborito mo."
Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumango-tango ako. "Mabuti pa nga honey ko. Baka mamaya bumalik na naman ang mga siraulong yon at kung ano pang magawa ko sa kanila.
Napangiti siya ng matamis sa akin. "Ang protective naman nitong love ko. Kaya mahal na mahal kita eh."
"Walang pwedeng manakit sayo habang nabubuhay ako honey ko. Tandaan mo yan!" 😤
Napahagikhik na naman siya ng tawa na animoy kinikiliti. "Enough na love ko. Masyado kang matamis. Baka pagkakagatin na ako ng mga langgam nyan."
"Sunugin ko ang bahay nila. Kasasabi ko lang na walang pwedeng manakit sayo eh."
BINABASA MO ANG
She's The One
Fiksi PenggemarOne more JaThea love story ❤ Pakikiligin na naman kayo ng panibago nilang kwento ng pag-ibig.