The Choice

5.6K 260 13
                                    


Althea's POV


Idinaan ko sa paghampas-hampas ng unan sa kama ang galit ko. Sobrang apektado ako sa natunghayan ko kanina. Naiinis ako na ang babaeng itinatangi ko ay kayang gawin iyon sa sarili niya para lang sa pera. Hindi ko matanggap na nagkapuwang siya sa puso ko. Para akong mababaliw sa kakaisip. "Si Steff.. kailangan kong makausap si Steff." Agad kong idinial ang number niya ngunit nakaswitch off ang cellphone nito. "Bullshit! Anak ka ng tipaklong!" Minessage ko siya na tawagan agad ako once na mareceive niya ang message ko.

Umorder na lang ako ng alak. Kailangan kong lunurin ang sarili ko sa alak. Baka sakaling makalimutan ko ang babaeng yon. Simula nang dumating siya ay nagulo na ang tahimik kong mundo.

Mabilis kong naubos ang isang bote ng whiskey. "Bakyet akoh nagkakahganito? Hik! Ang shakit-shakit pa rin dito. Hik!" Sabay turo ko sa tapat ng dibdib ko. Nakaupo ako sa ibaba ng paanan ng kama na nakasandal at hindi makuhang tumayo sa sobrang kalasingan.

Narinig kong tumutunog ang cellpohone ko na nakapatong sa ibabaw ng kama. Ngunit dahil hindi ko makuhang tumayo ay hinayaan ko na lang iyon na tumunog ng tumunog. "Kailangan na kitang kalimutan Jade Ramos." Subalit habang binibigkas ko ang mga katagang iyon ay mas lalong sumisidhi ang pagnanais kong makita ulit siya. "Anong klaseng mahika ang ginawa sa akin ng babaeng iyon para magkaganito ako sa kanya?!" Gumapang ako patungo sa kama upang itulog na ang sumasakit kong ulo sa pagkahilo dulot ng nainom kong alak.

Padapang ibinagsak ko ang sarili sa kama. Kakapikit ko pa lang nang muling tumunog ang cellphone ko.

Steff calling...

Medyo nabawasan ang pagkalasing ko nang makita ko kung sino ang caller. Agad kong sinagot ang tawag niya. "Hello Steff.. hello!"

"Althea anong nangyari? Hindi mo ba siya nagustuhan?"

"Steff gaano mo kakilala ang babaeng yon? Bakit ganon na lang siyang kadespiradang magbenta ng katawan para lang sa pera?" Walang prenong tanong ko sa kanya.

"Tinanggihan mo ba siya A? Oh my gosh!" Tila may pag-aalala sa tinig nito.

"Steff gusto kong malaman ang dahilan. Bakit kailangan niyang gawin yon?" Medyo tumaas na ang tono ng boses ko.

"Teka.. magkakilala ba kayo ni Jade? Bakit parang concern ka sa kanya A?"

"Sagutin mo na lang ang itinatanong ko sayo Steff. Bakit kailangan niyang gawin yon?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito ng malalim sa kabilang linya. "Okay fine! Malala ang kondisyon ng tatay niya sa hospital. Kung hindi agad maooperahan ay pwede nitong ikamatay anytime."

"Ano?!" Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawala ang aking pagkalasing. Na-guilty ako sa aking nagawa. Sana hindi pa huli ang lahat para makabawi ako sa nagawa ko sa kanya. "Steff alam mo ba kung saang hospital naka-admit ang tatay ni Jade?"

Pagkasabi nito sa pangalan ng Hospital ay mabilis na nag-shower na ako upang tuluyang mawala ang pagkalasing ko. Kailangan kong makarating agad sa hospital bago pa mahuli ang lahat.


Jade's POV

Umuwi muna ako sa bahay para ayusin ang sarili ko bago ko harapin si David. Wala na talaga akong choice kundi ang pumayag na lang sa nais niya. Sigurado ako na makakalimutan ko rin ang boss kong si Althea Galura. Lalo na ngayon na wala nang dahilan para magkita pa kami. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko siya. Siguro ang liit liit na ng tingin niya sa akin.

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng komportableng damit ay sumakay na ulit ako ng tricycle patungo sa isang coffee shop na pagtatagpuan namin ni David na malapit lang  din sa hospital kung saan naka-admit si Dada. Sinabi nito na medyo mali-late siya ng konti dahil kasama pa nito ang isa niyang business partner na nagcecelebrate ngayon ng birthday sa isang bar.

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon