Hinayaan ko nalang sya na umalis at makipaglaban sa rebelde dahil hindi ko naman sya mapipigilan dahil para sa bayan naman yung pinaglalaban nila saka ginugusto naman nya lahat dahil pangarap nya ang maging sundalo, pinagpalit nga nya ito kaysa sa sarili nyang kapatid kaya magtitiwala nalang ako na kaya nya 'yon pero hindi nawawala saken yung kaba.
Pinagpatuloy ko nalang yung paghahanap sa picture namin. 10 photos lang yung laman ng Digi-Cam nya pero puro stolen shots ko lang lahat yung nakita ko, wala yung aming dalawa. Lumabas ako ng tent at hinabol ko yung sasakyan nila.
Humiyaw ako.....
Pero walang nakakarinig. Biglang may narinig akong taong tumatakbo, hiniyawan nya ko at lumapit saken.
"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas sa loob ng tent, umalis kana dito at bumalik don, mamaya-maya lang magsisimula na yung gera!" Sabi nya saken habang nakahawak sa dalawang balikat ko.
"Wala yung picture natin, puro stolen shots ko lang yung nasa Digi-Cam mo." Maluha-luha na sabi ko sakanya.
Kita sa mga mata nya na natatawa sya sa sinabi ko, agad nya kong inakbayan at naglakad pabalik sa tent habang hawak hawak ko naman yung Digi-Cam nya.
Nang nasa loob na ulit kami ng tent may kinuha sya sa loob ng bag nya. Inabot nya saken yung picture frame na kung saan picture naming dalawa yung laman. Hindi man lang nya ko sinabihan na pina-develop na pala nya. Naiyak ako habang nakatitig sa picture namin, bigla ko syang niyakap.
"Thank you" saka ko nadama na inakap nya rin ako.
Pagkatapos ng sandaling 'yon, agad na syang bumalik para makipaglaban kasama ang mga kasamahan nyang sundalo. Kahit malayo yung lugar na yun sa tent namin pero naririnig ko parin yung putok ng mga baril. Habang nagdadasal ako na sana ligtas sya, bigla nalang nagkagulo.
"Padating na sila!" Hiyaw ng mga babae na sundalo.
Nilagay ko yung picture frame sa bag nya at ng palabas na sana ko ng tent, agad syang pumasok at naupo.
"Okay ka lang ba? Baka nasaktan ka?" Tarantang tanong ko sakanya habang tinataggal naman nya yung sapatos nya.
"I'm okay. Nasan na yung picture natin?" Tanong nya agad saken.
"Nasa bag mo." Mabilis kong sagot sakanya. Ngayon ko lang na-realize na half Filipino and Half American pala sya kaya pala kamata nya si James Reid. Agad nyang kinuha yung picture sa bag nya at inalis sa pagka-frame.
Binigay nya saken yung isang copy ng picture namin para daw pareho kaming meron. Sabi ko sakanya, ipapa-frame ko din yung picture namin pag-uwi ko sa bahay.