#FYDL (Pictures)

4 0 0
                                    

Class Dismissed:
5pm:

Habang naglalakad ako pauwi, may isang babae na nakasabay ko. Third Year College na'ko pero ngayon ko lang naramdaman kabahan ng ganito. Binilisan namin yung lakad ng nakasabay ko, kahit hindi ko sya kilala at kaano-ano pero dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko, kahit kanino nakisabay ako.

Maya-maya lang may isang lalaking nakabonet na sumulpot sa isang kanto. Lalo akong kinabahan nang ko sya na sumusunod samin. Nakamotor single na parang riding-in-tandem. Wala akong makita kundi ang mata lang nya. Hindi ko alam ang gagawin ko, balak kong tumakbo pero parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa takot ng bigla akong huminto sa paglalakad dahil nasa tapat na sya ng bahay nila, ibig ko sanang makituloy muna sakanila pero hind ko sya kilala kaya pinanindigan ko nalang nmakitaa kaya ko'to!

Naglakad ako, patuloy lang sa paglalakad pero nakasunod parin yung lalaking mukhang riding in tandem na hindi ko maipaliwanag kung kidnapper ba'to? May kidnapper ba na nakasakay sa single na motor? O kaya baka holdaper? Pero kung holdaper sya, dapat kanina palang kinuha nya na yung mga gamit ko, pero hindi eh. Nilakasan ko na yung loob ko na huminto sa paglalakad at harapin ang taong nasa likod ko na parang anino ko na sunod ng sunod saken.

Huminto ako, nakiramdam, humarap sakanya.....

"Sino ka?" Tanong ko sakanya na parang sasabog na'ko sa takot.

Inalis nya yung bonet nya. Agad akong napangiti ng alisin nya ito dahil ngumiti sya saken at bigla nalang nawala yung kaba ko.

Ang gwapo nya, maputi, astig, sobrang angas, ang tangos ng ilong, kamata ni James Reid at ang pula ng mga labi nya. Gusto kong tumili pero di ko magawa.

"Let's have a picture?" Saka nya inilabas yung phone nya. Ohmygod nasa heaven na ba'ko?

"Okay?" Mahiya-hiyang sabi ko.

Nagpicture kaming dalawa pero nung nagpaalam na'ko sakanya na umuwi, agad kaming may narinig na putok ng baril. Tumingin ako sakanya pero laking gulat ko ng makita kong hinihipan nya yung hawak nyang baril na medyo umuusok pa.

FIND YOUR DREAM LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon