"Bakit may baril ka? Sinong binaril mo?" Makaba-kabang tanong ko sakanya ng ngumiti lang sya saken. Ngumiti lang din ako sakanya. Diba para kaming tanga? :)
"Tumingin ako sa buong paligid. May isang lalaki na nakahiga sa kalsada. Agad akong nagtatakbo papunta sa lalaki. Nakita ko, nakita ng dalawang mata ko na may tama sya sa puso. Bumalik ako sa lalaki na nakabonet kanina at nagtanong sakanya.
" Ikaw bang bumaril sa lalaking yon?" Sabay turo ko sa lalaking duguan.
"Yes. He is my brother. Babarilin ka nya kaya inunahan ko na." Sabi ng lalaki na'to saken. Inpernes marunong magtagalog.
"Ano? Kuya mo sya? Pano ka nakakasiguro na ako ang babarilin nya?" Tanong ko
"Actually isa syang rebelde. Galit sya saken dahil nag-aaral ako at isang taon nalang graduate na ko bilang isang sundalo. Matagal nya na'kong binabalaan, lahat ng kakausapin ko, papatayin nya. So, inunahan ko na sya." Mahinahong sabi nya saken.
"Salamat sa pagligtas saken, tatanawin ko tong malaking utang na loob." Medyo emosyonal na sabi ko sakanya.
Pero hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari, napatay nya yung sarili nyang kapatid? Kinaya nya yon? Wow!
"Tara sumabay kana saken, hatid na kita." Nagulat ako sa inalok nya saken.
"Are you sure?" Tanong ko sakanya dahil sakto pagabi na kaya mas okay kung sumabay na'ko diba? Saka I like that, iwas pagod.
"Yes. Let's go?" Nagsmile nanaman sya saken at nagbigay ng helmet.
Sumakay na'ko sa motor single nya at tinuro ko yung bahay namin. Nang nasa bahay na'ko, inaya ko muna syang magdinner pero tumanggi sya dahil may pupuntahan pa daw sya. Nagthank you ulit ako sakanya pero nag-smile lang sya at tumuloy ng umalis.
ONE DAY MORNING:
6am : FridayGinising ako ni Mama dahil may pasok daw ako at hinihintay na daw ako ng boyfriend ko sa salas. Pinagtatawanan ko lang si Mama at bumaba na'ko para magbreakfast. Magulat-gulat ako nakaupo sa sopa sa salas namin yung lalaking nakamotor-single na savior ko kuno.
"Why are you here?" Bungad na tanong ko sa kanya.
"Diba may pasok ka? Hatid na kita then my dapat kang malaman." Siryoso nyang sabi saken.
Hindi na'ko nagdalawang isip na sumama sakanya. Pagdating namin sa school bigla kaming nagtatakbo dahil may humahabol sameng mga rebelde sabi nya. Puro putok ng baril ang humahabol samen at sigawan ang naririnig mo sa paligid. Pagkatapos naming makapagtago sa mga rebelde, agad nya kong pinasakay sa motor single nya at dinala sa bundok kung saan doon sya nagte-training bilang isang army.
Maraming nakalatag na tent, parang camping ata toh hindi training eh. Dinala nya ko sa isang tent kung saan kaming dalawa lang ang laman. Inabot nya saken yung Digi-Cam nya.
"Andyan nga pala yung picture natin yesterday. Hanapin mo nalang, tingnan mo nalang kung nice." Saka sya lumabas ng tent para makipag-usap sa kapwa nya sundalo.
Wala pang ilang minuto bigla akong may narinig na putok ng baril. Pumasok sya sa loob ng tent at nagpaalam sa akin.
"Dyan ka lang wag kang aalis dito, babalik ako." Saka nya dinampot yung baril na nakasabit saka lumabas ng tent at sumakay sa isang truck kung saan narinig ko sa kasamahan nya na sasabak na sila sa isang gera na kalaban nila ay mga rebelde.