Wow! Ang taas parang bawat sulok ng mundo kita mo na. Sana talaga marating ko ung buong mundo noh? Ang taas naman ng pangarap ko.
Buti nalang naisipan nyang puntahan namin to. Nilabas nya yung Digi-Cam nya saka kami nagpicture sa taas ng bundok. Sobrang saya pala ng pakiramdam ng ganito. Hinintay namin yung paglubog n sunset. Ang ganda talaga, parang konting tangkad mo nalang maaabot mo na yung langit. Ngayon ko lang na-experience yung ganitong moment.
"Ang taas noh?" Sabi nya saken habang pinipicture-an yung paligid. Na-video nya rin yung paglubog ng sunset.
Sana ganito din kataas yung pagmamahal mo saken este yung bahay namin. Pero sa bawat oras na kasama ko sya, ang Romantic nya para saken. Di nawawala yung KILIG na nararamdaman mo kapag kasama mo sya at yung feelings na nagugustuhan mo na yung pagkatao nya.
"Hindi ko alam kung sundalo ka ba talaga o photographer? Ang hilig mo kasing magpicture." Ngumiti sya saken saka ako pinagpipicture-an habang tumatawa.
Pinicture-an nya ko ng solo habang palubog ung sunset , ang sweet sa pakiramdam. Pinicture-an ko din sya habang stolen na naglalakad sa malalaking bato na nasa paligid nya pero syempre may picture din kaming magkasama at background pa namin yung mga building na makikita mo sa baba na parang mga laruan lang. Ito na siguro yung THE BEST ADVENTURE na napuntahan ko at kasama ko pa yung taong nagligtas ng buhay ko.
Saktong 8pm, nakauwi na ko sa bahay pero di alam ng parents ko na hindi ako nakapasok dahil sa emergency na sasabihin ni..........? Sino nga pala sya? Hindi ko alam yung name nya, mygod! Pero ano nga pala yung dapat kong malaman ? Hindi ko rin yun naitanong? Sa tagal naming magkasama kanina pero ni isa dun wala akong naitanong? Ngayon ko man narealize
na masyado pala kong na-excite.ONE DAY MORNING:
SATURDAY 7AM:Hinihintay ko ung lalaking kasama ko buong oras ko kahapon, hinihintay kong dumalaw sya dito sa bahay namin pero wala, di pa sya dumadating. Sabagay, wala naman sya sakeng sinabi na dadalaw sya.
Assume pa sige!
Dumating yung 11am pero wala pa din sya. Gosh! Bakit ko ba sya hinahanap? Ano yung meaning nito ? Time is 3pm. May nag-doorbell, ako na yung nagtatakbo para buksan yung gate. Ohmy... Sya na nga, yung nagdedeliver lang pala ng Fried Chicken.
"Mam kayo po ba yung umorder nito? From KFC po, enjoy eating." Eka nung lalaking nagdeliver.
Kinuha ko yung KFC then hiniyawan ko si Mama.
"Oh ayan na pala yung in-order ko. Anak lagay mo nalang dyan sa lamesa." Nilagay ko sa lamesa then umakyat ulit ako sa kwarto ko. Kinuha ko nalang yung laptop ko at ano pa nga ba? Ade nanuod nalang ng movie. A Second Chance. Wala pang limang minuto may nagdoor bell ulit, nakakainis. Hindi ako tumayo, bahala na si Mama dun, baka umorder nanaman. Narinig ko ngang may kausap si Mama sa baba kaya hinayaan ko nalang. Tuloy lang sa panonood ng biglang tumulo yung luha ko sa sinabi ni John Lloyd, wag kayong mag-alala kakabisaduhin ko nalang kapag sinipag na kong magmemorize.
Agad may pumasok sa kwarto ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa lalaking kasama ko kahapon . Tadhana na ba ire?
"Labas tayo? Kung gusto mo lang naman. May bagong palabas sa sine, ano tara?" Aya nya saken.
"Sorry next time nalang, ang ganda kaya ng pinanonood ko!" Sagot ko naman. Pakipot haneh?
"Okay!" Saka sya tumabi saken.
Maya-maya lang...
"Pwede ba kitang ligawan?" Natulala nalang ako sa screen ng laptop ko sa tanong nya saken. Bigla nyang hinawakan yung kamay ko. This is it na ba ito? Hindi ko alam kung anong gagawin ko, halos nanginginig na ko at hindi ko mailabas yung feeling ko ngayon. Nang sasagutin ko na sya at sasabihing....
"O------"
"Ate naman kasi! Gumising kana, aattend pa tayo sa church, male-late na tayo!" Gising saken ng kapatid ko.
"Wtf! Sasagutin ko na eh! Bakit mo ko ginising?" Sabi ko sa kapatid ko
"Ha?" Tanong nya.
"Ah wala. Never mind!" Saka ako naluha.
( Dream that so hard to be true )
The End....