#FYDL4 (Romantic Give)

3 0 0
                                    

"Tara hahatid na kita sa bahay nyo, sorry dahil saken naka-absent ka." Sabi nya saken.

"Okay lang, irregular class lang naman kami ngayon."

Kinuha nya yung bag nya saka lumabas ng tent. Kinuha ko yung bag ko saka sumunod sakanya. Binilisan ko yung lakad ko kasi ang bilis nyang maglakad, nakakaiwanan ako. Nang napansin nya na halos tumatakbo na'ko, huminto sya at hinablot yung bag ko. Nilagay nya sa kabilang balikat nya at sa bandang kabila naman yung sakanya.

Ngumiti sya saken at inakbayan ako habang naglalakad. Inilagay ko naman yung kamay ko sa likod nya. Parang kami pero hindi. Habang hinahanap namin yung motor single nya, may nadaanan kaming tindahan ng mga remembrance shop. Yun bang mga sari-saring pang-remembrance yung tinda, may bags, bracelets, rings, wallet, teddy bears saka mga mugs. Pero binilan nya ko ng bag na ang cute ng design. Kulay brown sya na parang balahibi ng lion. Pagkatapos nun sa next shop naman nya ko dinala. Bracelet naman yung binili nya saken. Actually, pati sya bumili ng bracelet na pareho lang ng color and design nung saken, walang pinagkaiba.

Nang nakasakay na kami sa motor single nya, nagtanong ako.

"Ano na nga palang nangyari sa Kuya mo?" Tanong ko.

Agad nyang hininto yung motor-single nya. Saktong may upuan sa pinaghintuan nya kaya dun kami nag-usap.

"Ang ganda dito noh? Kahit bundok toh pero ang saya, walang tao kundi tayong dalawa lang, walang mga sasakyang dumadaan tapos ang ganda pa ng tanawin. Parang ikaw." Pambobola nya.

"Wag mong ibahin yung usapan, sagutin mo yung tanong ko. Anong nangyari sa Kuya mo, nasaan sya?"

"Okay fine, baka nasa langit na?" Pagbibiro pa nya.

"Siryoso ko kaya siryosohin mo din yung sagot mo." Saka ako tumingin ng masama sakanya.

"Sorry pero ang totoo, wala akong balita sakanya." Sabay yuko.

"Ano? Natitiis mo yun? Parang di mo sya kapatid ah!" Saka ako tumalikod sakanya.

"Wala ka kasing alam, hindi mo naiintindihan. Di mo alam lahat ng pinagdaanan ko sakanya at lalong di mo napagdaanan ang napagdaanan ko sa Kuya ko!" Galit na sabi nya saken.

"Bakit, ano bang 'yang napagdaanan mo na parang wala lang sayo yung nangyari sa kapatid mo?"

"Sige sabihin na nating kapatid ko sya, pero alam mo yun, anak lang ako sa labas. Kung alam mo lang, since bata pa kami, pinapahiya nya na ko sa lahat ng kalaro namin, sinasabi nya na mahina daw ako. Tapos ngayon inaaya nya kong maging rebelde tulad nya? No! Kahit kailan hindi ko tutalaran maging katulad nya."

"Sorry. Pero ano yung dahilan, bakit lahat ng makausap mo o lumalapit sayo ay papatayin nya?" Dagdag na tanong ko.

"Dala yun ng galit nya saken. Kaya ko sya binaril kasi ayoko ng makapatay pa sya ng ibang tao. Pinatay nya yung mommy ko, ngunit ba kabit si Mom ni Dad? Hindi alam ni Mommy na dalawa pala silang babae sa buhay ni Daddy." Maiyak-iyak na sabi niya.

"Binaril nya yung Mommy mo?" -Me

"Oo. Tapos ngayon si Daddy wala ng pakielam saken."

"Sorry talaga. Sorry kung hinusgahan kita agad. Pero pano pag nalaman nilang ikaw ang bumaril sa Kuya mo?" -Me

"Okay lang, kesa naman makapatay pa sya ng ibang tao."

"Wag kang mag-alala kapag nangyari yun, sisiguraduhin kong ako ang no.1 testigo mo." Napangiti ko sya bigla at niyakap naman nya ko ng sobrang higpit.

Nagtanong ulit ako sakanya.

"Bakit kayo sumabak sa gera kanina, akala ko ba magtetraining lang kayo?" Tanong ko

"Oo training lang. Yung gera kanina, nagpatulong lang ako sa mga kasamahan ko, rebelde yung mga nakalaban namin at kasamahan ng kuya ko. Alam ko namang pinaghihigantihan lang nila ko dahil sa nangyari kay kuya kaya gusto nila kong patayin. Gusto ko ng matigil tong kabaliwan nila kaya lumaban na'ko. Kahit alam kong nakasalalay yung buhay ko." -sya

"Nag-pray ako na sana ligtas ka kaya eto ka sa tabi ko, nagdadrama." Saka sya natawa.

Pagkatapos nun sumakay ulit kami sa motor single nya kung saan papunta kami sa pinakatuktok ng bundok. Gusto naming makita yung mga magagandang tanawin na di pa namin natatanaw. Yung mga tao sa baba, yung mga bahay at building. Yung mga puno na parang laruan lang kapag nasa tuktok ka na ng bundok.

Ang sayaaaaa...

FIND YOUR DREAM LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon