Chapter 22

27 0 0
                                    

"Nag-usap na kayo?" Tanong ni Ylac pagkatabi ko sa kanya.

"Maiwan muna namin kayo. Wala pa ba kayong balak maligo?" Sabi naman ni Xyra bitbit ang kanyang baby na nakasoot na ng bathing suit at si Helga na naka-two piece na rin.

"Susunod na lang kami." Sabi ko.

Tumango sila. "Okay."

Umalis na sila ng cottage at pinuntahan ang mga kasama namin. Nag-usap sila at nilingon kami. Kumaway si Jackie at inaaya na kami. Sumenyas lang ako na mamaya na. Sa tingin ko naman ay naeenjoy pa rin nila ang pagligo dahil kasama nila ang kani-kanilang mga baby.

"Uuwi daw siya next month." Sabi ko at nilingon ko ang katabi ko.

Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Wala na siyang soot na pang-itaas samantalang soot ko pa rin ang shirt ko. Nag-gym ba siya dati kaya na-define ang mga muscles niya? Halata kasing nag-workout siya para maachieve ang ganitong katawan. Mahahalata mo naman kasi sa isang lalaki kung batak ba siya sa trabaho o nag-workout talaga.

"Bakit daw?"

Kumunot ang noo ko. "Syempre para magbakasyon! Ilang taon na siyang hindi umuuwi!" Saka isipin ko pa lang na ako ang dahilan kung bakit siya umalis, nagui-guilty lang ulit ako. Umalis siya para makalimot at maging masaya ako pero nung pagkaalis niya, hindi ako naging masaya. Well, atleast, maayos na kami ni Ylac ngayon.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Ha?" Pagtataka ko.

"Wala lang. I want to know what's on your mind." Hinalikan niya ang likod ng palad ko partikular na ang daliri kong may singsing.

"Masaya ako..." Sabi ko. Masaya ako dahil maayos na kami. Masaya ako dahil tanggap siya ng pamilya at mga kaibigan ko. Masaya ako dahil pagkatapos ng ilang taon, magiging ganito pala ako kasaya. Not that I'm not happy with Jaypee before. "Sana lang matapos na ang issue. Sana umamin na si Charlene."

Biglang lumungkot ang mukha niya at binaling na ang pagtitig sa mga mata ko. "Gagawin ko ang lahat para lang matapos na 'to. I want you happy, Kate. I want us to be happy."

"Tutulong ako kung may maitutulong man ako. Kakausapin ko siya. Magmamakaawa ako-"

"You will never do that. Hinding-hindi ako papayag, Kate. Isa lang naman ang maitutulong mo eh."

"Ano?"

"Just stay by my side and I'll be the one to fight for our love. You'll be my source of energy, so please, never leave my side. Promise me, Kate."

"I promise." Sabi ko bago siya niyakap.

Sabay kaming tumayo para samahan na ang mga kaibigan namin. Hinubad ko na ang loose sleeveless shirt ko at shorts. I am just wearing a black and white stripes two piece. Biglang nag-init ang pisngi ko nang makita kong nakatitig siya sakin habang ginagawa ko 'yon. It's as if he haven't seen my whole body. Err. I just want to be comfortable.

"Damn! I don't wanna be so possessive." Bulong niya.

I had the guts to laugh. "Hinayaan naman kitang topless kaya hayaan mo rin ako. Isa pa, this is the right suit." Sabi ko.

Nagtaas lang siya ng kilay at hinawakan na ako sa baywang. Sabay kaming naglakad palapit sa dagat. Kakaalis lang nina Leo at Giovan na nakasakay sa speedboat. Sina Kuya Allen, Ate Victoria, Stacey, Julie, at Tyler ang asawa ni Julie ang mga nakasakay sa banana boat. Sina Xyra, Gabriel at mga anak nila, Ate Andjelka, Shaye, Kuya Alexis, Jackie, Nick at baby Nickie ang naabutan namin sa mababaw na parte ng dagat. 'Yung iba hindi ko na mahagilap.

It's You From The Start (SCYSF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon