We enjoyed our date even though we were just at the cafe for a day. It was like we're a fugitive. Pero hindi e. Ayos lang sa akin. Ang importante kasama ko ang taong mahal ko. Millions of haters won't matter to us anymore. Sapat na ang pamilya at mga malalapit sa akin na matanggap kami. That's all that matters to me.
Na-enjoy ko rin ang mga inihanda nila. Kulang na lang ay ipatikim sa akin ni Ylac lahat ng nasa menu nila. Nagkwentuhan na lang din kami bilang pampalipas oras. 4 PM nang mag-aya na si Ylac. And now we're just inside his car. Nag-drive siya papunta sa kung saan niya ako dinala kagabi. At with the thought of what happened last night makes me blush like a red tomato. Napansin iyon ni Ylac at pigil ang kanyang pagngisi.
"Mukha kang natatae, Kate." Aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba tayo nandito?"
"Wala lang. Bakit ba?"
Nag-iwas ako ng tingin. Wala naman masama kung nandito kami. Ang pag-iisip ko lang talaga ang may problema. Wala lang ba sa kanya ang nangyari? Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako. Mas lalo lang mangangamatis ang pisngi ko kapag nagtanong pa ako.
"Ayaw mo dito? This is a special place for me."
Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya at napansin ko rin ang hiya sa kanya pero parang nilalabanan niya.
"What's so special here?" Hindi ko na napigilan ang bunganga ko. Naiinis kasi ako sa sarili ko at sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
"Do you have amnesia, Kate? Kagabi lang nangyari nakalimutan mo na? Dito tayo nagkaayos... and..."
Hindi ko na hinayaan na tapusin niya ang kanyang sasabihin. Tinakpan ko agad ang kanyang bibig. Natawa siya sa ginawa ko. Siguro ay nahihiya rin siya pero ngayong nalaman niya ang nararamdaman ko, tinatawanan na lang niya ako.
"Anong nakakatawa? Nakakainis ka!" Binitawan ko na siya at hinampas sa balikat. Para akong batang nag-crossed arms at ngumuso sa inuupuan. Damn! Why am I acting like a damn child?
"You're so cute!" Tawa niya.
"Hindi ako aso." Masungit kong sabi.
"Aso lang ba ang cute?"
"Oo!"
Humalakhak ulit siya. "Ano bang meron? Ang sungit mo."
"Wala!" Sigaw ko.
Hindi siya sumagot. Natahimik sa loob ng sasakyan. That made me look at him. Nakatitig lang siya ng seryoso sa akin. Natameme ako. Nagbuhol-buhol na naman yata ang dila ko at ang mga bituka ko sa tiyan.
"I hope you won't regret what happened last night. I know it's wrong based from our culture. Pero, Kate, mahal na mahal kita. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari. I am in love with you." Seryoso niyang wika.
Parang may tumusok sa puso ko. Like what I've said last night, I may have so many regrets in my life, and if I would regret anything in the future, making love with him wouldn't be included. I surrendered myself wholeheartedly. Hindi ko naisip ang mga nakasanayan naming kultura o anong prinsipyo namin sa buhay. We were drunk by our emotions. It has it's purpose why it's called make love.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa manibela. Nakatitig siya sa ginawa ko. Nakatingin ako ng diretso sa kanya.
"I wouldn't regret anything that happened last night." Sabi ko.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Kate, I love you so much. At alam ko hindi magandang itanong sayo 'to, pero anong meron tayo ngayon?"
BINABASA MO ANG
It's You From The Start (SCYSF Book 2)
Teen FictionHe told you he loves you. But why didn't he chase you? Does that mean he really wasn't inlove with you? What if he comes back? Will you still give him a chance? Will you still feel the same? Can you go back to where you started when you know someone...