Huminto na kami sa paglalakad nang wala na kaming makitang tao sa paligid. Nakatago kami sa isang malaking bato. Mabibigat ang mga titig niya sakin kaya nag-iwas ako ng tingin. Pinagmasdan ko ang alon ng dagat na tumatama sa mga paa namin.
"Tell me, Kate... Hindi ka ba naniniwala sa akin? Do you believe that I own that baby?" Seryoso niyang tanong sakin.
Naniniwala ako sa kanya pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na maisip ang mga possibilities kung siya nga ang ama. At naiinis ako sa sarili ko dahil iniisip na siguro niya na wala akong tiwala sa kanya.
"Hindi sa ganun, Ylac-"
"Look at me, Kate!" Matigas niyang utos. Hinawakan niya ang baba ko para maiangat ang mga tingin ko sa kanya. "Kung hindi ganun, ano? Kasi sa mga kinikilos mo, nagdududa ka sakin. Kaya ka umalis kanina diba? Nung nakita mo 'yung picture, akala mo siya ang pinili ko diba?"
Pinigilan kong umiyak. "Nasaktan ako..." Pumiyok ako. Ang sakit sa dibdib at lalamunan na pigilan ang mga nagbabadya kong luha.
"Sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa tuwing tinatakbuhan mo ako? Hindi ako mapakali kung saan kita hahanapin. Nababaliw ako kasi hindi ko alam ang tumatakbo sa isip mo. Kate, nagawa mo ng magmahal ng iba dati, hindi malabong magawa mo ulit 'yon kaya natatakot ako na sa isang pagkakamali ko lang, iiwan mo ako at ipagpapalit ako."
May nakatakas na luha sa mga mata ko pero agad niya iyong pinunasan. "Ylac, mahal na mahal kita. Pero ano pa bang magagawa ko kung sakaling ikaw nga ang ama? Anong laban ko-"
"Damn it, Kate! Hindi nga ako ang ama! Hinding hindi ko magagawa sayo 'yun!"
Napapikit ako sa sigaw niya. Sobrang lapit namin kaya hindi rin ako makahinga ng maayos. Sumasabay pa ang bigat ng dibdib ko sa pagpipigil kong bumuhos lahat ng luha ko. Yumuko na lang ako. Kahit anong sabihin niya, hindi pa rin nagiging buo sa pag-iisip ko ang pagpupumilit niyang hindi siya ang ama. Siguro hangga't hindi sila nagpa-paternity test, hindi ako matatahimik. At sobrang nakakainis dahil hindi ko magawang buuin ang paniniwala ko sa kanya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sa akin pa rin ang mga titig niya. Para bang binabasa niya ang mga iniisip ko sa likod ng mga mata ko. Nag-iwas na lang ulit ako ng tingin dahil hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya. Pakiramdam ko makakaya niyang basahin ang iniisip ko. Malalaman niyang hindi buo ang paniniwala ko sa mga sinasabi niya.
Bumuntong-hininga siya. "Bukas na bukas, gagawin ang paternity test. I'll prove to you na hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Charlene. I hope by that time, buo na ulit ang tiwala mo sakin. I'll leave you for now."
Hinawakan niya ulit ang baba ko para iangat ang tingin ko sa kanya. Nang magsalubong ang mga mata namin, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Binigyan niya ako ng isang malalim na halik sa labi bago niya ako tinalikuran. Tumulo ulit ang luha ko pero agad kong pinunasan. I know this is my fault pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I need to prepare myself for the possibilities. I need to ready myself. If the paternity test would turn negative, I'd be happy. But if it'd turn positive, damn I don't know how to accept it. Matatanggap ko ba kaagad? Masasaktan muna ako diba? Pero nagdadasal ako na sana negative ang magiging resulta.
Naglakad-lakad ako sa gilid ng dagat. Sumasabay ang buhok ko sa hangin. Kahit na tahimik ang paligid, maingay naman ang pag-iisip ko. Marami akong iniisip at gusto ko munang magpahinga. Ilang pagsubok at problema pa ba ang haharapin namin sa relasyong ito? Will it all be worth it?
Habang naglalakad ako, nakita ko sina Helga at Crent na tahimik na nakaupo sa buhangin at pinagmamasdan ang dagat. Iiwas na sana ako pero nakita na ako ni Helga at tinawag. Nasaan na kaya ang iba?
BINABASA MO ANG
It's You From The Start (SCYSF Book 2)
Teen FictionHe told you he loves you. But why didn't he chase you? Does that mean he really wasn't inlove with you? What if he comes back? Will you still give him a chance? Will you still feel the same? Can you go back to where you started when you know someone...