Chapter 2

93 0 0
                                    

Pinagpatuloy nila ang pag eenjoy kahit na ramdam nila ang presensiya ni Ylac. Kung minsan ay napapatingin ako sa kanya dahil sa mga kilos niya pero agad akong umiiwas dahil matatalim ang mga titig niya sakin. Ayokong sa isang iglap ay makalimutan ko ang lahat. Nasaktan ako at ayoko ng maulit pa 'yon. Isa pa , ayokong masaktan si Jaypee.

"Are you okay? Gusto mo ba'ng paalisin siya?" Napalingon ako sa katabi ko. Kinabahan ako sa kakaibang titg niya. Ayokong may maisip siyang mali. Awkward, oo, pero kailangan kong umakto ng maayos.

"Let him,"

"You sure?"

Tumango ako. "Magtatanong panigurado si Mama kung bakit ko siya pinaalis. I don't know what will I say,"

"We can tell them that he's a trouble?" Nanliit ang kanyang mga mata. Ito na ang ayokong mangyari.

"Jayps, I'm fine with this. You told me before? Tanggalin ko na ang galit sa puso ko? Wala na."

Pilit siyang tumango. Gusto ko'ng itanong kung ano'ng iniisip niya. Hinawakan ko na lang ang kamay niya para mawala ang kung ano man ang bumagabag sa kanya. Masaya kami at ayokong makalimutan namin kung bakit. Wala na akong nararamdaman para kay Ylac. Siya na ang nasa puso ko ngayon. Mahal na mahal ko si Jaypee.

Nang lingunin ko ang relo ko ay pasado alas onse na ng gabi. Lasing na ang mga kaibigan kong hapon pa lang ay uminom na. Alas diyes pa lang ay nagpaalam ng umuwi sina Mama at Papa pati na rin ang mga magulang ni Jaypee.

"We have to go, bro, Kate," Nilingon ko si Ezekiel, isa sa mga matalik na kaibigan ni Jaypee. "Congrats, by the way!" Ngumisi siya.

Tumango rin sina Richard, Mark, at Daniel. Silang lima ang magkakaibigan na nagkakilala nung nag kolehiyo sila. Pare-pareho na rin silang may mga pamilya kaya hindi sila nagpakalasing masyado.

"Salamat. Ingat kayo."

"Katey. Uwi na rin kami. Hinahanap na ako ng anak ko," Tumawa si Jackie. Responsableng mga magulang ang mga kaibigan ko kaya't naiintindihan ko kung bakit kailangan na nilang umuwi. Silang mga pamilyado na ang sunod sunod na umuwi. Tanging naiwan na lang rito ay sina Leo, Chollo, Giovan, Nancho, Kuya Allen, Ate Victoria, at Ylac. Hindi ko pa nakitang nag usap ang magkapatid. Ni hindi pa sila nagtitinginan. Ang pagkaka alam ko, naging mistress ng Daddy ni Ate Victoria si Nana Rosie at naging bunga si Ylac. Nang malaman ito ay lumipat ng ibang bansa sina Ate Victoria at hindi pinanagutan si Nana Rosie. Nang mamatay ang kanilang ama ay may iniwang mana para kay Ylac, naging open si Ate doon pero hindi tinanggap ni Ylac. At sa pagkaka alam ko rin, hanggang ngayon ay hindi pa sila nag uusap na parang tunay na magkapatid.

"Why did they leave so early? Damn." Napalingon kami kay Ylac. Siya ang pinaka lasing sa kanilang lahat.

"You? Why aren't you leaving also?" Tanong ni Kuya Allen.

Ngumisi si Ylac. "You didn't tell me that you're with my sister- Okay, scratch that... my half-sister?"

"I don't think you need to know about my matters?" Si Ate Victoria ang sumagot.

Nag uumpisa ng dagain ang dibdib ko. Matagal na akong nanahimik sa mga away at gulo. Kaarawan ko ito, sana naman ay walang manira.

"You're right. I don't care about your life-"

"Seal your mouth, Montclair. Or else, I'll forget that I have a brain," Mariing wika ni Kuya Allen. Hinawakan siya ni Ate Victoria para pakalmahin. I admire Ate for that. Itinatago ang kung anumang issues at pinapairal ang maturity. Not that Kuya Allen was immatured. Just that Ate Victoria can handle her emotions.

"How are you, pare?" Pag iiba ng usapan ni Leo.

"Trying to be fine? Acting to be fine? Pretending that I'm okay?"

"All fraud?"

Hindi sumagot si Ylac. Ito ang hindi alam ng mga fans sa kanilang iniidolo. They didn't know what's happening to their idols when off cam. They didn't know the real them.

"Before I forgot, congrats, Kate. And what's your name, by the way?" Nakatingin siya ngayon kay Jaypee.

"We don't need your greetings, man. But I'm Jaypee Thomas,"

Napakagat ako ng labi. Iba ang boses ni Jaypee. Parang nanghahamon. Hinahawakan ko na lang ang kamay niya para maalala niyang nasa tabi niya ako. We need trust. We have trust. Hindi dapat makaramdam ng selos o kung ano si Jaypee.

"I'm tired, Jayps. Can we go home?" Hindi sa tumatakas ako. Ayoko lang mangyari ang iniisip ko.

"Okay. Excuse us. Okay na ba kayo dito, guys?" Ani Jaypee na ang tingin ay sa mga kaibigan ko.

Tumayo na kami at nag umpisang maglakad palayo. Sana lang ay walang mangyaring gulo dito. I trust my friends. I trust Ate Victoria na hindi niya hahayaang magkagulo dito pagkaalis namin.

"Sandali!"

Pareho kaming natigilan ni Jaypee sa paglalakad. Hinarap namin ang nakatayo ng si Ylac. Sobrang pungay na ng kanyang mga mata. Hindi na rin mapigilan ang kanyang pagsasalita.

"May nakalimutan ba kami?" Naiiritang tanong ni Jaypee.

"Do you still remember your secret admirer when you were at Santiago Foods?" Diretsong tumatagos ang titig niya sakin. Binalewala niya si Jaypee.

"How'd you know that?" Kunot noong tanong ko.

"It's because I'm the one who has been sending you those flowers since then!" Sigaw niya.

Lalong dumadami ang mga kabayong tumatakbo sa utak ko. Maging ang tiyan ko ay puno na rin ng kung ano'ng insekto. Did I hear it right? Kinalimutan ko na ang tungkol doon. Kinalimutan ko ng umasa akong sana makilala ko ang tao sa likod nun at siya na lang ang mamahalin ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman sa nalaman ko. Bakit ngayon lang niya sinabi? Bakit ngayon lang niya inamin?

"Do I have to regret about it?" Lakas ng loob. I dunno kung saan ko nakukuha 'yun ngayon. Maybe... sa mga naramdaman ko noon, sa mga nangyari sa amin noon, sa taong katabi ko na nagbibigay ng lakas sakin ngayon?

"'Yung 'I love you' mo sa album noon? May ibig sabihin ba 'yon?" Dagdag ko pa.

Wrong move na kung wrong move. Panghahawakan ko ngayon ang tiwala ni Jaypee sakin para hindi niya maisip na may pinagsisisihan ako sa kung ano ang meron kami ngayon.

Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ni Ylac. Nakatitig lang siya sakin. I can resist it. Dahil wala na akong nararamdaman para sa kanya.

"Alam mo kung ano ang pinagsisisihan ko?" Gusto ko lang ilabas ang lahat ng sama ko ng loob sa kanya... ang mga gusto kong sabihin sa kanya. "'Yon ay ang nagpakatanga ako sa'yo! Umasa ako'ng mapapansin mo ako. Umasa akong masusuklian mo ang nararamdaman ko para sa'yo kasi tayo ang palaging magkasama. But fvck that! You are so dumb. Napaka manhid mo para ireject ako. Wala naman akong maisumbat sa'yo dahil kagustuhan ko 'yun kaya nagalit ako sa sarili ko!"

"Really?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagngisi niya. He's really no longer my bestfriend before. He's like a monster now. "Then, you are dumb, too, for not knowing my feelings for you!" Mabilis siyang naglakad at inunahan kami sa pag alis.

Hindi ko na naramdaman kung kailan tumulo ang mga luha ko. It's the same tears I cried, years ago. Bakit ba kasi kailangan pa niyang magpakita ulit? Matagal na naming tinanggap na hindi na siya kabilang sa amin. Matagal ko ng tinanggap na hindi niya ako minahal ng todo. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayokong magkamali. Ayokong makasakit lalo na't si Jaypee. Ayoko 'tong kakaibang nararamdan ko.

This is so much. Ibig ba niyang sabihin ay mahal na rin niya ako noon pa lang? Bakit hindi ko halos naramdaman? Bakit niya sinabi 'yon ngayon? Does it make sense? I'm getting married to Jaypee. Hindi niya pinanindigan ang pagmamahal niya dahil dumating kami sa puntong ito ngayon. And I'm happy with my new life now. Don't make him ruin this.

It's You From The Start (SCYSF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon