Si Kuya Allen mismo ang naghatid ng portrait sa bahay. Pagkakita namin ay manghang-mangha kaming lahat. It has always been his passion. Sa pagkakatanda ko ay ginawan rin niya ng portrait si Natasha at dinisplay niya ito sa kanyang kwarto pero simula nung maging sila ni Ate Victoria ay tinago na niya ito.
"Kuya, bakit hindi mo 'ko gawan? Birthday gift?" Pang-aasar ko sa kanya.
Tumawa siya. "Tapos na birthday mo."
"Kahit na. I-advance mo na lang."
"Saka na. Sa 30th birthday mo." Lumakas ang tawanan nila.
Napanguso na lang ako. Alam ko namang mahirap gawin ang ganito saka ayoko rin istorbohin si kuya. Kapag may pang-bayad na ako saka ako magpapagawa talaga. Gusto ko rin may idisplay sa kwarto ko.
"Kate, may bisita ka." Sabi ni mama.
Napalingon ako sa kanya at sa taong nasa likuran niya. Nakita ko si Ylac. Last kaming nagkita ay last week pa nung pagkauwi namin galing sa bakasyon. Hindi ko alam kung paano nangyari pero naiwasan namin hindi magkita ng ilang araw. At ngayon ay sinusundo niya ako para pumunta sa laboratory kung saan nila ginawa ang paternity test. Malalaman na namin ngayon ang resulta.
"Ngayon na ba, Kate?" Tanong ni Kuya Allen.
Tumango ako. "Maiwan ko muna kayo."
Kinuha ko na ang bag ko at humalik kina mama, papa, Kuya Kyle, at Kuya Allen bago umalis. Hindi niya sa kasama si Ate Victoria dahil sa trabaho. Bago kaming tuluyang umalis ni Ylac ay nakita ko ang aking strada na ilang araw ko ng hindi nagagamit.
"How are you?" Tanong ni Ylac habang nagmamaneho.
Nilingon ko siya. "Fine. Ikaw?"
"Not fine."
"Ha? Bakit?"
"Ilang araw kitang hindi nakita. Parang napakalayo ng bahay ko sa bahay niyo." Ngumisi siya.
"Sorry. Nagpaka-busy lang."
Hindi siya sumagot. Diretso pa rin ang titig niya sa daan. Natahimik kaming dalawa sa loob. Tumingin na lang rin ako labas.
Dahil sa katahimikan ay narararamdaman ko ulit ang kaba sa dibdib ko. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng test. Confident si Charlene na magiging positive ang result. Confident naman si Ylac na negative iyon kahit pa ramdam kong nababahiran na rin ang confidence at paniniwala niya sa sarili simula nung sabihin ko sa kanya kung paano siya inakit ni Charlene. Samantalang ako ay walang ibang maramdaman kundi takot at kaba.
"Anong iniisip mo, Kate?" He asked.
Hindi ako magiging madamot sa kanya kaya aamin ako. "Nervous,"
"I am too,"
Binalingan ko ulit siya ng tingin. Saglit kaming nagkakatigan pero muli siyang nag-focus sa pagmamaneho. Pareho na kaming kinakabahan ngayon. Kung siguro hindi ko sinabi sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Charlene noon ay buong buo ang confidence niyang magiging negatibo ang resulta. Pero sinabi ko e. Karapatan niya malaman. Totoo man ang mga sinasabi ni Charlene o hindi ay hindi na namin alam. Kasi hallucination pills iyon, walang matatandaan si Ylac kung talagang may nangyari nga. At kung mapapatunayan na siya ang ama ay mas lalo akong kinakabahan sa maaari kong gawin.
"It's not yours, right? Hindi naman ikaw ang ama." Sabi ko. Mas parang sinasabi ko iyon sa sarili ko. Na pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi nga siya ang ama.
BINABASA MO ANG
It's You From The Start (SCYSF Book 2)
Teen FictionHe told you he loves you. But why didn't he chase you? Does that mean he really wasn't inlove with you? What if he comes back? Will you still give him a chance? Will you still feel the same? Can you go back to where you started when you know someone...