Chapter 30

35 0 0
                                    

There's never an easy decision. And every decision we make there's an equal consequence. Ilang beses na ako nag-desisyon at nasaktan. Ganun din si Ylac. At bawat desisyon niya ay ako ang iniisip niya kaya nakakalimutan niya ang kanyang sarili. Nakakalimutan niyang nasasaktan din siya.

Yes, he was hurting whenever I'm hurt. Pero dahil iyon sa parati siyang nasasaktan sa akin na nakakalimutan na niyang nasasaktan na siya para sa sarili niya, na siya ang nakakaramdam ng sakit kaya hindi na niya alam kung saan ang hangganan ng nararamdaman niya.

Walang pagdududa sa pagmamahalan naming dalawa pero hindi na siguro tama kung parati na lang kaming nasasaktan. Sa bawat isang minutong masaya kami ay may kapalit na isang oras na sakit. It's not even healthy anymore. At kung hindi pa kami magdedesisyon ay patuloy lang kaming masasaktan. We'll never grow. Our love will never grow. Our chance will never grow. We will just be stagnant.

"That's a very tough decision, Kate." Sabi ni papa habang nakatingin sa akin.

It was late in the evening when I decided to drink. Alam kong tulog na sina mama at papa kaya malakas ang loob kong uminom ng alak. Pero 30 minutes pa lang simula nang mag-umpisa ako ay dumating si papa at sinamahan ako.

"I never thought that I could drink just to forget this pain."

Totoo ang mga naririnig ko. Nakaka-ilang shots pa lang ako ay pakiramdam ko umiikot na ang mundo ko. Mas maganda na ito kaysa sa umiikot ang mundo ko na nasasaktan dahil sa walang sawang pagtigil ng pag-iyak ko. Until now I'm still shedding tears. It's just that I'm feeling numb every time my tears kept on falling.

"I thought it was our happy ending. Nung malaman kong mahal din niya ako, sobrang saya ko. Pero hindi ako na-inform na 'yun pa lang pala ang start ng magiging mundo namin." Inistraight ko ang natitirang alak sa baso ko. "Did I make the right decision, pa? Tama bang tinalikuran ko siya? Tama bang itigil ko na 'to? Tama bang iwan siya?"

"You are the only one who can say it's the right decision." Si papa mismo ang nagsalin ng alak sa baso ko.

"Kailan pa? Kapag naging maayos ang lahat? Kapag naging maganda ang resulta ng desisyon ko?"

Nakita ko ang mariing pag-iling ni papa. I can still see him clearly. "Hindi, anak. Maganda man o hindi ang maging resulta ng desisyon mo, ikaw lang ang makakapagsabi kung tama ba 'yun o hindi. You're the one who decided so you're the one to say."

Muli akong uminom. "But I'm hurting, pa. Pareho kaming nasasaktan ni Ylac pero ayoko naman bawiin ang naging desisyon ko. Sobra sobra na ang sakit at pakiramdam ko hindi na maganda. Kung patuloy lang kaming masasaktan, paano magiging masaya ang relasyon namin?" Pinunasan ko ang pisngi kong basang-basa na ng luha. "I'm so sorry, Ylac... I'm sorry for hurting you... I'm sorry for loving you... I'm sorry for not being true to my words... I'm sorry for everything I've done to you..."

Iyon ang mga huling salita bago ko naramdaman ang pagbigat ng mga mata ko. Wala pa naman yatang isang oras akong umiinom dito pero ramdam ko na ang pagkalasing. And I couldn't do anything about it but to close my eyes and let myself sleep from pain.

Kinabukasan ay naging ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko man alam kung anong oras na. At nakakapagtaka pang dito ako sa kwarto ko nagising. Naging pabigat pa ako sa papa ko kagabi.

Kahit parang hinahati na ang ulo ko ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na makapasok ng banyo at makaligo. Kahit man mahimasmasan ng kaunti ang sarili ko. I've never been this drunk in my whole life. And I've never drunk my pain away. Naka-ilang bote yata ako sa saglit na oras na 'yun.

It's You From The Start (SCYSF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon