Way to get Confused

9 0 0
                                    

Tapon dito, tapon doon. Hanap dito, hanap doon. I don't know what to read. Halos lahat ng libro dito sa bahay nabasa ko na.

I'm getting bored. Book is life. But I don't find any courage to read. It's been two days since matapos ko ang binabasa kong libro. Kapag ganito naman, nauulit ko ang isa sa mga paborito kong libro.

I feel so empty. Lumaki akong may sariling mundo. Weird, they say. But it's normal for me. I'm shutting everyone who's trying to come near me. Kuntento ako ng ganun lang. Pero ngayon, I need someone to talk to. Someone who'll gonna listen to me, make me laugh and make me feel I'm the most special person.

Kinakabahan na ako sa nararamdaman ko. Hindi na tama to.

I know. Prince charming on my books are far from the boys in the real world.

They don't really exist. But I made my decision to live in fantasy. Dahil sa mga librong yun, dun ako nakakaramdam ng saya na hindi ko nararamdaman kahit noong bata pa ako.

Naiinis ako sa mga babaeng hindi kayang mabuhay ng walang lalaki. Parang akala mo, mauubusan ng lalaki sa mundo.

Hindi sa bitter ako. Women should know how to respect themselves. Kung makikipagpatayan sila dahil lang sa lalaki, hindi imposibleng babastusin sila ng mga ito.

"Baby, we're going now." Bungad ni mommy sa pinto ng kwarto ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

"You really don't know how to knock, Ma."

Lumapit sakin ang mommy ko at humalik sa noo ko. "Be a good girl, okay?"

"I'm a good girl. Hindi nyo lang alam dahil wala kayo lagi dito sa bahay." Mahinang bulong ko.

Mukhang narinig yun ni mommy dahil kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nya panandalian.

"You should be get going. Daddy might be mad at you kung paghihintayin mo pa sya sa baba."

Tinalikuran ko na sya at wala sa loob na kunin ang nakakalat kong laptop sa sahig. Wala na din akong narinig mula sa kanya dahil sinuot ko na ang headphones ko at tinodo ang volume ng music doon.

Bahala nang masira eardrums ko. Mas okay yun ng wala na akong marinig pa.

Napansin nyo siguro na hindi ako malambing sa mommy ko. Well, I used to be when I was a kid. Only child lang ako. I thought I have a wonderful family.

I thought my parents really do love each other. Hindi ko man sila lagi nakakasama dahil busy sila sa family business namin, pero sobrang sweet nila kapag nandito sa bahay.

Pero habang nalaki ako, nalaman kong palabas lang ang lahat. Sa isang iglap, nagbago ang tingin ko sa pamilyang meron ako.

Ano ba yan, Kai. Nagdadrama ka na naman. Naiinis kong sita sa sarili ko.

Kinakain na naman ako ng depression ko. Hays.

Kailangan ko talaga ng makakausap ngayon. Kailangan ko ng maiiyakan. Sawa na ako sa ballpen at papel ko. Hindi naman kasi sila sumasagot sakin kapag nagtatanong ako.

Binuksan ko ang facebook account ko. Baka sakaling may makausap akong makakapagpagaan ng loob ko.

Scroll. Scroll. Scroll.

Hindi ko aakalain na napakarami kong friend dito sa facebook pero ni minsan, hindi ko pa nakakausap ang mga iyon.

Naghanap ako ng pwedeng makausap. At kahit isa sa kanila walang pagtibok ng puso.

Talk to someone. Sandali kong itinipa sa keyboard. Baka sakali may makausap ako.

Anonymous chat with stranger. Ang biglang lumabas sa screen ko.

Hindi ko alam na may ganto palang site. Nag-aalangan man ako pero sinubukan ko na din. Wala naman siguro mawawala, hindi ba?

Stranger: Hey! :)
You: Hello.
Stranger: How are you?
You: Ain't good. I want someone to talk to.
Stranger: Lol. Yeah. I know. That's why you're here. Haha.

Aba. Pilosopong stranger to!

You: Tss.
Stranger: Just kidding.
You: Funny stranger. Ha. Ha. Ha. Ha.
Stranger: Awwwie. You're a girl. Right?
You: Nope. I'm not.
Stranger: Yes, you are. ;)

I'm just staring at the screen. Mali ata desisyon kong makipag-usap dito.

Stranger: You still there?
You: Wala na. Kaluluwa na to. Tss.
Stranger: Pinay ka! Hahaha! Nc.

Wtf?! Naintindihan nya ako?

You: Are you a Filipino?
Stranger: Obvious ba? Hahaha
You: Kbye.

I'm about to leave the page. Mali talaga tong ginagawa ko. Pinoy kausap ko! Dafudge.

Don't make me wrong. Hindi sa ayoko makausap ang kababayan ko, pero kasi they don't take things seriously.

Stranger: Wait lang!
Don't leave yet.
I'm Mark.
And you are?

Sunod sunod ang pagchat nya sakin.

Stranger: Hey. Sorry.
You: For what?
Stranger: For offending you. Or making you mad. I'm sorry, Miss.
You: How can you be so sure that I'm girl?
Stranger: Dahil masungit ka.
You: Wow ah.
Stranger: You remind me of someone I know. :)
You: And so?
Stranger: Ganyan sya kasungit. She's serious in everything. Mahirap patawanin. Unfortunately, she doesn't know me. She can't even recognize me. Kung hindi ko sya kilala, iisipin kong ikaw si Kairi.

You disconnected the chat.

Yes. I disconnect. Bigla akong kinabahan.

Siguro, ibang Kairi ang tinutukoy nya. Hindi ako yun. Wala namang nakakakilala sakin. I'm just Ms. Nobody to everyone. Imposible talaga.

Destiny Brings YouWhere stories live. Discover now