I was looking at my reflection on my mirror. I didn't recognize myself. Nakakatawa man pero mukha talaga akong kinagat ng malalaking ipis.
My face are swollen so my eyes are. Buong gabi ako umiyak. I didn't know why though.
Kalagitnaan ng init ng panahon ay naisipan kong ibalot ang mukha ko ng scarf at magshades para hindi mahalata ang pamamaga.
"Umiyak ka na naman ba, Kai?" Salubong na tanong sakin ni Nanay Mila nang makapasok ako sa office ng agency namin.
Yes. Sya ang namamahala sa travel agencies. Isang matandang dalaga na nakilala ko sa kalsada ng minsa'y maglayas ako.
Isa syang tindera noon ng mga basahan na nakatira sa isang kariton. Si nanay ang nagturo sakin ng lahat ng bagay na si mommy dapat mismo ang nagtuturo.
"Hindi, Nay. Uso to ngayon." Palusot ko.
Isang makahulugan na tingin ang ipinukol nya sa akin.
"Para na kitang anak. Sakin ka pa ba maglilihim? Nag-away na naman ba kayo ng Mommy mo?" Alalang tanong nya.
Isang iling lang ang itinugon ko at ngumiti sa kanya.
Hindi na muling nag-usisa ang matanda at nagsimula nang mangalikot sa computer nito.
Isang linggo ako tumira sa kariton kasama si nanay Mila. Natuto akong mamuhay sa kahirapan noon. Kaya ipinangako ko kay nanay na iaahon ko sya sa hirap.
Umuwi ako sa amin para mag-ipon gamit ang mga allowance na nakukuha ko sa mga magulang ko. Tumutulong din ako kay nanay magbenta sa loob ng klase ng mga kakanin.
Nang makaipon ng sapat na pera, naghanap kami ni nanay ng bahay sa eskwater area.
Minsan na akong pinigilan nila mommy nang malaman nilang nakikipagkita ako sa matanda. Dahil sa katigasan ng ulo ko, kinuha nila si nanay bilang taga-alaga ko.
Habang inaalagaan ako ni nanay, sabay kaming nag-aaral dahil hindi man lang sya nakapag-aral. Lumaking naghahanap buhay ang matanda para may makain pang-araw araw.
"Nanay, gusto kong pumunta ng Japan."
"Ibo-book na ba kita?" tanong nya sakin.
Umiling ako. "Ako na po bahala doon. Pahanap na lang ho ako ng condominium o kahit apartment na matutuluyan doon."
Tumango habang natipa ito sa keyboard. "Ilang araw ka mamamalagi doon?"
"Dalawang linggo ho. Gusto nyo po ba sumama?"
"Anak, alam mo namang ayoko maglalabas ng bansa." Turan nya.
Napangiti na lang ako. Ni minsan, hindi talaga naisipan ng matanda lumabas ng bansa. Ang madalas nyang katwiran sakin, kung saan sya pinanganak at lumaki, doon din sya tatanda at mamamatay.
"Kumain na ba kayo?" Pag-iiba ko.
"Matanda na ako. Kakain ako kapag nagugutom ako. Ikaw ba?"
Napailing na lang ako habang natatawa kay nanay. Sa kanya ko natutunan kung pano mamilosopo at sumagot ng pabalang.
"Hindi na ho dapat itinatanong yan." Nginitian ko sya at inilabas ang lahat ng dapat ayusin bago ako umalis.
Bukas na bukas din ay magbo-book na ako ng flight papuntang Japan.
Gumagawa ako ng itinerary para sa Bangkok tour nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa table. Tumatawag ang isa sa mga hotel na tinutuluyan ng mga guest namin sa Japan. Baka doon na ako na-ibook ni nanay.
Nagmamadaling lumabas ako ng opisina para sagutin iyon.
"Moshimoshi." Paunang bati ko sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/91648770-288-k910345.jpg)
YOU ARE READING
Destiny Brings You
RomanceKairi the nerdy girl who loves to be alone with her books starts to get bored with it and wanted to have her real Prince Charming. But how she'll get one if her ideal Prince Charming didn't exist in real world?