Paggising ko kinaumagahan wala na yung lalaking natutulog sa sofa. Nakahinga ako ng maluwag. Baka nga umalis na ito ng tuluyan.
Maaga pa pero naghanda na ako para makarating ako ng mas maaga sa dapat ko talagang puntahan.
Taon taon binibisita ko ang Enoshima. Isang magandang isla ng Fujisawa. The Island of Sun, Fun and love.
Mahigit isang oras bago makarating doon. Hahabulin ko pa ang unang byahe ng train. Dapat mauna akong makarating sa lugar na yun bago ang mga turista.
Isang taon din bago ako makakabalik sa lugar na yun. Hindi ako sigurado kung doon ko pa din matatagpuan ang isa sa mahalaga sa buhay ko.
Wala pang masyadong mga tao sa loob ng train. Alas kwatro pa lang kasi ng umaga. Sa palagay ko, mga gigising pa lang ang mga pasahero. Isa pa, linggo ngayon.
Sinimulan kong makinig ng mga tugtog sa cell phone ko. Inilabas ko din ang bagong libro na nabili ko sa daan.
Halos nakakalahati ko na ang binabasa ko nang mapansin kong nagsisimula nang magpakita ang araw. Kusang napangiti ako sa ganda ng lugar na nadadaanan namin.
Taon taon, halos ito nakikita ko ngunit hindi ako nagsasawang pagmasdan ang mga iyon. Natatanaw ko na ang karagatan. Malapit na ako sa Enoshima. Makikita ko na ulit sya.
Halong kaba at saya ang nararamdaman ko. Habang palapit na kami ng palapit, nagsisimula na akong mag-alinlangan.
Tama ba talaga tong ginagawa ko? Paano kapag nakita nya ako? Anong sasabihin ko? Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyayari. Ayan ang mga bagay na gumugulo sa isip ko habang nalalapit na kami sa lugar na pupuntahan ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago naglakas loob lumabas sa train na sinasakyan ko.
Ito na. Wala nang atrasan.
Mula sa estasyon ay sumakay ako ng bus papunta sa Samuel Cocking garden. Alam kong doon ang una nyang pupuntahan.
Malapit na mag-ala sais. Ibig sabihin, marami na ang gising.
Nang makarating ako sa nasabing lugar, mangilan ngilan na ang mga taong nandoon.
May mga pamilyang naisipan magpicnic. May ilang nag-eersisyo. Meron din namang mga nagmamasid lang sa magagandang bulaklak.
Umupo ako sa isa sa mga tagong lugar. Naghihintay ng tamang oras.
Kusang gumuhit ang mga ngiti sa labi ko nang matanaw ko na mula sa entrance ang isang grupo ng mga turista.
Hindi ako nabigo nang makita ko ang pakay ko. Nakapaskil pa rin sa maganda nyang mukha ang mga ngiting hindi nakakasawang pagmasdan.
Halatang masaya ito habang nakikipag-usap sa mga turista. Paminsan minsan ay tumatawa ito.
Wala akong ginawa kundi ang titigan lang ito.
Lumilipat din ako nang pwesto kapag hindi ko na ito natatanaw. Ayokong mawala sya sa paningin ko ngayon. Hangga't maaari ay hindi na ako kumurap masundan lang ang kilos nya.
"I never expect this coming."
Napamulagat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig sa tabi ko.
Halata ang pagtataka sa mukha ng lalaking nasa kwarto ko din kagabi.
Hindi ko alam kung paano ito nakarating dito. Isa lang ang alam mo, wala na ito sa silid nang magising ako.
"What the hell are you doing here?" Muling ibinalik ko na ang tingin sa grupo nang Mg turista.
"Ano ba dapat ginagawa ng isang turista? Magmukmok sa isang kwarto?"
YOU ARE READING
Destiny Brings You
RomanceKairi the nerdy girl who loves to be alone with her books starts to get bored with it and wanted to have her real Prince Charming. But how she'll get one if her ideal Prince Charming didn't exist in real world?