It's been three days since the day I talked to that creepy stranger but it keeps on bugging me.
Paulit ulit tumatakbo sa isip ko ang pangalan nya.
Mark. Mark.
"Aaaaahhhh!!!" Sigaw ko.
Nasisiraan na ata ako ng ulo. Bakit ba ako nag-aabalang isipin yun, e hindi naman sya ugnay sakin.
Remember? I'm Ms. Nobody.
Naramdaman kong may mga matang nakamasid sakin.
Marahan kong inangat ang ulo ko at luminga sa paligid. Doon ko naalala na nasa library pala ako.
Stupid, Kai.
Posible kayang lamunin ako ng lupa mula sa kinauupuan ko?
Lahat sila nakatingin sakin na mistulang galing ako sa ibang planeta.
Oh, please lang, inang Lupa, lamunin mo na ako.
"HAHAHAHAHAHAHA!!!!"
Nabaling ang atensyon ko pati na ang mga tao sa library sa lalaking tumawa na mismong nasa harap kong mesa.
Nag-angat sya ng ulo nang may kapilyuhan sa mata at isa isang tumingin sa amin.
"Sorry. Just carried away. This story is so freakin' funny." Kinindatan nya ako bago muling binalik ang mga mata sa libro.
Kusang naningkit ang mga singkit kong mata at inayos ang salamin. Tumingin ako sa librong binabasa nya.
Sino ang pinagloloko ng lalaking to? Anong nakakatawa sa istoryang 40 Minutes Detective?!
Alam ko ang buong kwento nyan. May dalawang high school student na nakitang patay ang isa sa mga kaklase nila sa loob ng classroom at sinubukan iresolba ang crime scene sa loob ng 40 minutes.
Sa madaling salita, thiller ang binabasa nya.
Oo, may salamin ako, pero hindi ako bulag. At hindi rin ako engot para hindi malaman ang binabasa nya.
Isang akong nerd. Book is life nga ako, hindi ba?
Kusa na lang umikot ang mata ko at muling nagfocus sa program na ginagawa ko.
Hindi ko na namamalayang lumipat sa lamesa ko ang lalaki kanina lang ay nasa kabilang mesa pa.
"You should thank me." Marahang bulong nya sakin.
"For what?"
"For saving your ass."
Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya bago ko isinara ang laptop at sarkastikong ngumiti sa kanya.
"I don't your help. Thanks, but no thanks."
Nagmamadali akong tumayo. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito.
"Whoa. Whoa." Habol sakin nya sakin nang makalabas na ako sa nasabing establisimento. "Saglit nga lang, miss."
Hindi na ito nakuntento sa pagharang sa dadaanan ko at hinawakan pa ako sa braso.
"Ano na naman ba yun?" Angil ko sa kanya.
Naiirita na ako sa ginagawa nya. No one dare to touch me.
"Sorry..." Nakangiwing inalis nito ang hawak sakin at animong maamong aso habang hawak ang batok.
"If you have something to say, say it na."
Nanatili lamang ang lalaking nakatingin sakin. Mistulang iniisip ang mga salitang kanyang bibigkasin.
"Tss."
YOU ARE READING
Destiny Brings You
RomanceKairi the nerdy girl who loves to be alone with her books starts to get bored with it and wanted to have her real Prince Charming. But how she'll get one if her ideal Prince Charming didn't exist in real world?