Giving Up

1 0 0
                                    

Four days. Four freakin days no hi and hello from Austin since the day I left him on airport.

Madalas ko ito hintayin sa labas ng bahay namin. Nagbabasakaling dadaan ito. Sa kakahintay sa kanya, nagiging malapit na sa akin ang bunsong kapatid nito na si Hannah at ang mommy nito na si tita Hera.

Nakakasundo ko ang mga ito sa maraming bagay. Lalo na sa pagbabasa ng mga libro.

Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kinusot ko na din ang mga mata ko. Medyo nahihilo na ako kakasagot sa mga email ng mga kliyenteng gusto makipagdeal sa mga tour. Mapa-business tour, groups get a way at mapa-solo traveler.

Nasa opisina ako. Ngunit wala ang mga agent dahil may mga tour ang mga ito. Si nanay Mila naman ay lumabas upang bumili ng lunch.

Ilang minuto ko muna pinikit ang mga mata ko. Ngunit sa ilang minutong yun ay naka-iglip na pala ako.

Napakaganda ng panaginip ko. Nasa harap ko si Austin at maganda ang mga ngiti. Ramdam ko din ang paghaplos nito sa mukha ko. Narinig ko din ang bulong nitong namimiss na ako.

Unti unti ay iminulat ko ang mga mata ko upang matagpuang walang Austin sa harap ko. At isang panaginip lang ang lahat.

Panaginip na imposible nang mangyari paggising. Dahil napagdesisyunan ko nang wag na ito hanapin pa at itigil na ang kahibangan.

Hindi na ako aasang babalik ito upang makipag-ayos. Kung gusto nito makipag-ayos ay nung una pa lang na iniwan ko ito sa airport ay sumunod na ito. Apat na araw na ang nakakalipas, wala pa din kahit dulo ng kuko nya ang nakikita ko.

Muling binalik ko ang tingin sa monitor ng laptop ko. May bagong email sakin. Ngunit hindi iyon galing sa mga kliyente namin.

Ksoft Development Company.

Galing ito sa isa sa mga sikat na software company ng bansa.

Matagal na ako sumusubok mag-apply dito ngunit lagi akong walang natatanggap na sagot sa mga ito. Lahat ng program na ginagawa ko ay binabale wala nila.

Nawalan na din ako ng pag-asa sa nasabing kompanya. Pero ang email nila ngayon ay nagsasabing gusto ako gawing parte ng kompanya. Nakasaad din doon na kung maaari ay ngayon na ako pumunta sa kompanya nila upang isagawa ang interview.

Agad kong sinagot ang email nila upang ipaalam na pupunta ako ngayon.

Nagmamadaling lumabas ako ng opisina nang makasalubong ko si nanay Mila na may dalang mga pagkain.

"Saan ka pupunta? Kakain na tayo."

"Sorry, Nay. May interview po ako." Kinuha ko na lang ang cup ng kape ko at iwinagayway ito dito upang magpaalam na.

Patakbong tinungo ko ang sasakyan ko. Masaya ako ngayon. Habang nag-aaral ako, naririnig ko na ang KDC. Nagsimula ito sa pamamagitan ng internets.

Lumago ito nang matapos akong mag-aral at nagkaroon ng sariling establisyimento. Naging kilala ito dahil sa magagandang program na ginagawa nila. Kahit kilala na ang nasabing kompanya, naging misteryo ang taong nagpapatakbo nito.

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang agad dito.

"H-Hi.. I have an appointment with mr. Flandre, your HR." Turan ko sa babaeng nasa information desk. Halos habulin ko ang hininga ko kakamadali.

"Your name, Ma'am?" Tanong nito sakin habang may itinitipa sa computer sa harap nito.

"Kairi---"

"Ms. Bloom?" Putol ng isang babaeng may edad. Tumango dito. Sinenyasan nito ang babaeng kausap ko kanina na okay na.

Iniwan namin ang babae sa information desk na nanglalaki ang mata. Agad akong iginiya ng may edad na babae sa elevator.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destiny Brings YouWhere stories live. Discover now