Jealousy

0 0 0
                                    

Dalawang linggo na kami ni Austin dito sa Japan. Bukas na din kami babalik sa Pilipinas.

Sa dalawang linggong yun mas nakilala ko ang binata. Hindi ko aakalain na magkapitbahay lang kami. Mismong magkatabi ang bahay namin. Na katapat ng kwarto ko ang kwarto nya. At madalas ay magkasama kami sa iisang klase noong nag-aaral pa.

Nakakatawang isipin na isa ding game developer si Austin sa kilalang kompanya sa bansa. Ngunit hindi nito binanggit kung anong kompanya iyon. Hindi naman daw iyon mahalaga.

Ganto ko na pala nililimitahan ang mundo ko. Nasa tabi ko lang pala ang lalaking mag-aalaga sakin pero hindi ko pa ito napapansin.

Paminsan minsan ay sinusundan pa din namin si Kiara sa mga scheduled travel nya. Minsan naman ay nauuwi na kami sa pagdedate.

"Kairi?"

Nalingunan ko ang isang may edad na lalaki na halos kamukhang kamukha ni Daddy. Ang kakambal ni Daddy.

"Tito Warren." Bati ko dito. Marahang yumuko ako dito para magbigay galang.

"Kairi! Ikaw nga. What are you doing here, iha?" Bakas ang tuwa sa mukha ng matanda.

"Nagbabakasyon lang po."

Iginiya ako nito sa malapit na coffee shop at doon naupo.

"Bakit hindi ka man lang dumaan sa bahay?" May himig na pagtatampo sa tono nito.

"Tito..." Hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti ng mapang-unawa. "Alam nyo naman po kung bakit, hindi ba?"

Umiling ito. "Alam na ng kapatid mo ang lahat."

"Po?"

"Sinabi na namin ng tita Ayumi mo ang lahat. Naiintindihan din naman ni Kiara. Napakatalino nyong magkapatid."

"Babe, andito ka lang pa--- T-Tito Walter?" Nag-aalalang tanong ni Austin nang makalapit ito samin. "Sorry po, Tito. Hindi po ako nakapagpaalam sa inyo na susunod ako sa prinsesa nyo dito sa Japan. Tito Walter, patawarin nyo po ako." Halata ang takot sa mukha nito. Sinamahan pa nito ng pagluhod.

Napailing na lang ako at binatukan ito.

"That's not dad."

Natatawang tumango si tito Warren kay Austin ng tignan ng huli ang matanda.

"So you must be Austin."

"P-Paano nyo..." Hindi na magawang matapos ni Austin ang sasabihin nang biglang nagtago ito sa likod ko at bumulong. "Kakambal ng daddy mo?"

Tumango ako at pinanlisikan ito ng mata. "Umayos ka nga."

"Walter talks a lot about you. And both of you seems to be a great couple."

"Salamat po." Umupo na sa tabi ko ang binata at pinagsaklob ang mga kamay namin.

Panandaliang sinulyapan ni tito ang nakasaklob naming mga palad ni Austin at napangiti ito. "Kelan pala kayo babalik?"

"Tomorrow na po, Tito. Marami na pong pending na trabaho e."

"Ikaw na ba ang nagmamanage ng kompanya ng magulang mo?"

"No po. I don't have interest in it."

"Why not?"

Pinaliwanag ko dito ang hilig ko. Hindi na nagtaka ang matanda na pagpoprogram ang ginagawa ko. Alam ko lahat ng nangyayari sa pamilya namin ay alam nito. Magbest friend ang turingan ni Daddy at tito Warren.

"Papa!" Napalingon kaming lahat sa babaeng sumigaw mula sa entrance ng coffee shop.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng may-ari ng tinig na iyon. Napakapit ako ng mahigpit kay Austin. Nagbabasakaling makakuha ng lakas dito.

Destiny Brings YouWhere stories live. Discover now