2nd Mistake :Their First After all

3 0 0
                                    

Chapter 2: Their First After all

Hindi parin ito nagbabago. Maganda pa rin ito at mukhang mas lalong nagmatured dahil sa ayos nito.

Hindi nya akalain na pagkalipas ng limang taon ay mayroon pa rin itong epekto sa kanya. Akala niya ay tuluyan na niya itong nabura . Akala niya kapag nakita niya ito ayos lang sa kanya.

At talagang hindi nya inaasahan na sa gantong klase ng lugar nya ito muling makikita.

Muli niyang tinitigan ang babae , may kasama itong lalaki. Nagtagis ang bagang niya sa nakita.

Damn! Whose that ? Why is she laughing with him ? Do they have relationship ?

Napawi ang kanyang pag-iisip ng magsalita ang babae sa counter.

"Ano pong sa inyo sir?" Anito sa kanya.

"Isang C2 at  isang burger" sabi niya at naglabas ng isang libo. At ibinigay sa counter.

"For dine in or take out po? "

"Dine in"

"Ano pong drinks nyo sir?"

"Coke"

Pagkatapos niyon ay agad niyang ibinalik ang tingin sa dalagang kanyang nakitang muli.

Pagtingin niya ay nakita nya na tumatawa ito. Revealing her beautiful set of teeth. At ang singkit nitong mata ay tila nawawala habang tumatawa.

Damn! She is really a goddess!

"Sir, eto na po ang order mo." Tinanguan nya lang ito at agad na naghanap ng upuan malapit sa 'kanya'.

Agad naman siyang nakakita at kung sinuswerte ka nga naman. Sa likod ng dalaga ay may bakanteng upuan. Umupo sya doon at sinimulang kumain habang pinakikinggan ang usapan ng dalawa.

"Haha.Baliw ka talaga Kev." Anito ng dalaga ng natatawa pa.

"Ouch babe. Your hurting me. Pagkatapos kitang pasayahin , baliw pa ko sa paningin mo. Tsk Tsk "

Pasayahin my ass. Gilitan kita diyan ay.

"Baliw ka naman talaga e"

"Yeah, baliw sa iyo " doon nagpanting ang tenga nya

Napalakas ang pagbagsak niya ng kubyertos kaya naman napukaw niya ang atensyon ng dalawa na Nasa kanyang likod. 

"I-ivan? " sabi 'niya'

"Hello there babe.  Miss me? " e mocked. 

Mukhang hindi nga yata inaasahan ng dalaga na makita sya sapagkat tila inaabsorb pa nito ang lahat.

Slow as ever!  Tsk.

Tumayo siya At akmang lalapit ng bigla itong tumayo at kinuha ang bag pagkatapos ay tumakbo palabas.

Haharapin pa sana niya ang lalaking kasama nito ng biglang itong nagsalita. 

"Ay! Ang taray ni ateng.  Pawalk out ang drama. Havey! Nakakita lang ng yumming boylet!" Anito na ikinagulat niya. 

Pagkatapos ay bumaling sa kanya "Hi fafa. Mind if i join you? " sabi nito sabay kindat na talaga namang nakapagpataas ng balahibo niya.

Deym! Bakla pala to. Nagselos pa Ko. Nampucha!

Beautiful Mistake (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon