4th Mistake: Looking Back

2 0 0
                                    

Bakit ganun ? Bakit ako kinakabahan ? Hindi naman ako ganito kapag may minimeet akong client. There's something wrong, hindi ko lang alam kung ano. Nangangatal ang kamay ko sobrang kaba. Nararamdaman ko nanaman yung feeling na nandyan yung taong gusto ko. Yung taong mahal ko. Yung taong nanakit sa puso.

I try to contact Raine but she's unattended. Something is not right. Gusto kong umurong at umuwi kaso hindi pwede. Kagay nga ng sinabi ni Raine isa itong mahalagang kliyente. Kaya naman kahit na nanginginig ang tuhod sa sobrang kaba ay naglakad ako papasok ng restaurant.

Sinalubong agad ako ng isang waiter. Agad ako itong nginitian "Welcome to Royalties ma'am. Table for ?" Nginitian ko na lamang ito at sinabi ang nakasaad sa text message ni Raine. I have a reservation under my name. Just tell them about it. They already know it. Iyan ang huling text ni Raine, pagkatapos ay wala na itong naging reply sa mga text messages ko pati na rin tawag.

Pilit kong tinatanggal ang kaba sa aking dibdib at pilit na sinasabi sa isip na isa lamang itong ordinaryong meeting sa isang ordinaryong client. Medyo malayo mula sa entrance ang pinareserve ma table ni Raine kaya naman inilinga ko ang aking mata upang makita ang tao sa paligid.

At isang pamilyar na likod ang aking nakita, at ang waiter na nag-gaguide sa amin ay tila doon papunta. Nanunuyo ang lalamunan ko at nagkabutil butil na rin ang pawis ko. Hindi maari, hindi naman siguro siya yan. Pero kabisado ko ang tindig niya at nasisiguro kong siya nga yan. gusto kong tumakbo palayo ngunit bago ko pa man maihakbang ang paa ko ay tumayo na ito at humarap sa akin. Ang mga mata nito ay nanlaki sa gulat.

Akmang magsasalita siya ay tumalikod na ako at nagmamadaling naglakad palabas ng Royalties. Hindi pa ako handang harapin sya! Hindi pa ngayon! Ng makalabas ako ng restaurant ay maswerteng may kahihinto lang na taxi kaya naman agad akong sumakay doon. "Saan po tayo ma'am?" Tanong ng driver. Pamilyar sa akin ang mukha ng driver pero hindi ko iyong pinansin. "Sa malapit na bar ho." Gusto ko magpakalasing. Gusto ko na kahit sandali makalimutan ko siya.

Habang umuusad ang sasakyan ay napansin ko naman ang isang Range Rover na kanina pa nakasunod sa amin simula ng lumabas ako ng royalties. Tinitigan kong mabuti ang sasakyan ngunit hindi ko maaninag ang nagmamaneho dahil heavy tinted ang sasakyan. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuon ang panigin sa harap ng sasakyan.

Hindi ko lam kung ilang minuto akong tulala pero nagising na lamang ang diwa ko ng ihinto ng driver ang sasakyan sa (Name ng Bar) malapit ito sa IVS condominuim. Hindi nga raw kilala ang may-ari ng nasabing condominuim. Psh. Pabebe.

Sa entrance pa lang ay hinarang na ko ng bouncer. "Miss, bawal ang minor dito. Umuwi ka na lang." Sabi nito na ikinainis ko. Ginagago ba ko nito ? Mukha ba kong minor? "Kuya, legal na ko. I'm already 25." Sabi ko na lang at tinabig siya. Dumretso ako sa counter, at umorder ako ng isang boteng tequila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kate pero unaatended ito. Marahil ay mayroon itong bagong project. Sinubukan ko naman si Raine pero panay lang ang ring ng cellphone nito. Isang tao na lang ang nasa isip ko. Pero ayoko naman dahil malamang sa malamang ay magboboyhunting lang yon dito. Pero okay na yun, may mapaglalabasan ko pa rin siya ng hininaing. Hindi pa man nagtatagal ang pagriring ay agad na itong sumagot. "KAMUSTA NA SIS?!" Bungad nito este bulyaw nito. Napairap na lamang ako. "(Name ng bar) now na." Sabi ko na lang at pinatayan na siya ng cellphone dahil malang ay dadaldalan lamang ako nun.

"Hey there. " Ani ng isang babae na umupo sa tabi ng stool ko. Nginitian ko lamang ito. "Broken?" Tanong nito pagkatapos ay tinungga ang alak mula sa bote. Hindi ba nito kilala ang baso ? Umiling na lamang ako dahil naweweirdohan ako sa kanya. "Haha. Newbie ka no? By the way, I'm Hazel. Isa ako sa may-ari ng bar na to." Sabi nito at kinuha ang kamay ko para makipag-kamay. Weird talaga siya, promise. "Aaa, Shays. Hmm, paanon mo nasabing newbie ako?" Takhang tanong ko. Natawa naman ito. At tumungga ng alak bago sumagot. "Kasi gumagamit ka ng shot glass." Ani nito at uminom na naman. Ang lakas naman uminom nito. Babae nga kaya talaga to? " E ano naman kung gumagamit ako ng shot glass?" "Kasi ang sanayan na manginginom ay hindi gumagamit ng shot glass deretso agad sa bote. " Sabat ng bartender. "Aaa, ganun ba yun?" "Oo." Sabi naman ng babaeng bagong dating. Okay? "Oy pre isang boyeng rhum pa nga. " Sabi nito sa bartender at agad naman itong umalis pagkatapos makuha ang alak. Weird talaga. tsk. "Wag mo na lang pansinin, ganyan lang talaga yan si Hazel pero mabait naman yan. Ako ng pala si Amy, ito naman si (turo sa bartender) Tin, bf ko." Kaya naman pala sweet. Psh, magbebreak din kayo. Ano ba yan? ang bitter ko naman. Hindi dapat nakakapangit yun e.

Beautiful Mistake (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon