Chapter 4: Running Away
Shays POV
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at katawan. Hindi ko malaman pero ang pakiramdam ko ay tinakbo ko ang buong Pilipinas. Iniunat ko ang aking paa't kamay at ganun na lamang ang aking gulat ng may matamaan ang aking kanang paa. Isa pang paa! Pero kanino yun? Pilit kong inalala ang nangyari kagabi .
Ang pabango, oo yung pabango ng ex ko na naging rebound ko noon. Jusko po! Wag naman po sana. I try to move a little para makaalis habang tulog pa siya pero mukhang nagising ko siya dahil mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Agad agad ko namang ipinikit ang aking mga mata upang magkunwaring tulog.
God Shays ! What did you do? Mangingiyak ngiyak na tanong ko sa aking sarili. Ang pinaka-iingatan ko ay nawala na lamang ng bigla.
"Good morning baby!" Bati nito at hinalikan pa ang aking braso. Hindi ako umimik, gusto ko na akalain niyang tulog ako tapos tatakas ako kapag nagbanyo siya o di kaya ay kapag lumabas siya ng kwarto. Ng hindi ako gumalaw ay tumayo ito at nagbihis. Naghintay lamang ako ng ilang saglit . Ng lumabas ito ay agad agad akong nagbihis. Paalis na sana ako ng maalala ko na may dala pala akong shoulder bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Hinanap ko iyon sa buong kwarto. "Nasaan na ba yun ?" sabi ko habang hinahalungkat ang gamit na nasa sofa. "Anong hinahanap mo ?" "Yung shoulder bag ko. " sabi ko habang nagkakalkal pero agad naman akong napatigil. Deym Shays! Sinagot mo pa talaga yung tanong niya. Huhuhuhu ! I'm doom!
"Wala diyan yung bag mo nandun sa sala. And where do you think you're going?" Aniya habang inihaharap ako sa kanya. "Home." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. I kennat! Sa mga oras na ito an gusto na lamang mangyari ay ang mag-evaporate o di kaya ay lamunin ng lupa. Nahihiya ako, why would the hell i make myself to be his? "You're not going anywhere, beside you should rest. I know you're sore." At dahil sa sinabi niya. Doon ko naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Maging ang panginginig ng mga hita ko. Muntik pa kong matumba, mabuti na lamang ay nasalo niya ako. "Careful. Mahiga ka na muna. Ipinagluluto na ita ng breakfast. "Anito habang inaalalayan ako na makahiga sa kama niya. I can't speak, feeling ko ay tuyong tuyo ang lalamunan ko. Ang daming tanong ang umiikot sa ulo ko. Kung bakit siya ganun? Hindi ba't nsaktan ko siya noon. Hindi ba niya ko sisigawan? Hindi ba niya ko susumbatan ?
Ipinikit ko ang aking mata na baka sa ganung paraan ay makalma ko ang aking sarili. Pero mas lalong nadagdagan ang aking kaba ng maalala ko na hindi nga pala ako nakapunta sa meeting na sinasabi ni Raine dahil nakita ko si Kobe, yung ex ko na may gusto kay Kate na bestfriend ko. Kahit masakit ang katawan ko ay pilit akong tumayo ay naglakad papunta sa kusina. Nasa pathway pa lamang ako ay amoy ko na ang aroma ng brewed coffee at ang amoy ng pancake. Agad namang nagtubig ang aking bagang. I love pancakes. Marahil dahil sa naamoy ko, imbes na sa sala ang punta ko ay dinala ako ng paa ko sa kusina kung saan nakita ko si Ivan na nagluluto. Umupo ako sa isang stool malapit sa pinggan na pinaglalagyan ng nalutong pancake. Uumit pa sana ako ng isa ng bigla itong humarap. "Hey hindi ba sbi ko sayo magpahinga ka na muna? Ang tigas talaga ng ulo mo." Anito habang nakangiti. Bigla naman akong nahiya kaya binawi ko ang kamay ko na malapit sa plato.
Kumuha siya ng isang pinggan at naglagay ng pancake tsaka binuhusan ng strawberry syrup at nilagyan pa ng toppings na strawberry. Mas lalong nanubig ang bagang ko. Kaya naman pagkalapag na pagkalapag sa aking harapan ay kinain ko na ito. "Hindi ka pa rin nagbabago. You always can't resist pancakes. " Sabi nito habang natatwa. At inilapag sa tabi ng plato ang isang baso ng maiinit na gatas. Bigla naman daw akong nahiya. He still remember.
Habang tumatagal mas lalong nagiging awkward ang atmosphere sa pagitan namin ni Ivan. At habng patagal ng patagal hindi ko na malunok ang kinakain ko. Paano ba naman ay nakatitig siya sa akin habng umiinom ng kape. Yung totoo? Ganun ba ko kaganda para titigan? "Ahm." Napaigtad ako sa bigla niyang pagtikhim. Deym! Sa susunod babawasan ko na ang coffee intake ko. -_- " Kamusta?" Sabi nito ng nakayuko at namumula ang mukha. "Kamusta? Okay lang. " Sabi ko na lang. "No, not that. Yung performance ko." Sabi nito ng nakangisi. T*ng in* ! Hype! Burn! Grilled! Toasted! I can't answer that I mean I don't want to.
Inilibot ko ang mata ko hanggang sa makita ko ang shoulder bag ko. agad agad akong tumayo at kunuha yun at sa kabutihang palad may humintong cab. May lumabas na lalaki kaya naman pumasok agad ako dun at sinenyasan ang drivee na umalis na. Ng umandar ang cab ay ganun na lamang ang gulat ko ng biglang sumulpot ang mukha ni Ivan sa salamin malapit kung saan ako nakaupo. Pinapalo nito ang salamin at sumisigaw ng kung ano. Akmang ihihinto pa ng driver ang sasakyan ng biglang "Wag manong! Iandar mo lang sa Jacksonville po tayo. Wag mo na lang po pansinin yang kolokoy na yan. Hehe. " Sabi ko kay manong. Bagamat naguguluhan ay iniandar pa rin ang sasakyan. Sa totoo lang hindi naman talaga siya manong. Siguro ay kaedaran ko lamang siya o di kaya ay mas matanda lamang siya sa akin ng ilang taon.
Hindi ko alam pero dumaan kami sa bar kung saan ako nag-inom kagabi. At agad ko namang nakita yung weird na babae kasama yung kaibigan niya. She's now smoking. Grabe talaga! Malakas na uminom tapos smoker pa. Oh well, labas na ko dun. Pero ang ipinagtatakha ko ay huminto si manong sa tapat nung weird na babae. "Wait me here." Anito na napassulyap naman sa gawi at biglang kumunot ang noo. " Kailan ka pa naging driver Christian?" Anito na tila ba magugunaw na ang mundo dahil sa nangyari. Wait, teka.. Kailan ka pa naging driver? Pinaulit-ulit ko pa ang pangungusap na iyun at ulang ulit pa yata bago ko nagets. Shet na malagket! Hindi ba taxi nasakyan ko ? Tinignan ko yung rearview mirror dahil madalas malapit doon nakasabit yung id at permit pero wala akong Makita. Napapikit na lamang ako at sumandal. At ganun na lamang ang aking pagtatakha ng may malambot ako na masandalan. Patingin ko ay unan. Maging ang likurang upuan nito ay merong maliit na unan at isang headrest. Sa itsura nito ay halatang hindi ito taxi. "Ano ? Napansin mo na ? Hindi ako taxi driver miss. Pero sige ihahatid pa rin kita. Sa isang kundisiyon." Ano ba naman yan? Bakit kailangan may Q&A pa? "Osige. Ano yun kuya?"tanong ko habang yakap yakap yung maliit na unan na nasandalan ko kanina. "Anong ginagawa mo sa tapat ng bahay ni Ivan? Tsaka bakit parang hinahabol ka niya?" Para naman akong nakakita ng multo sa tanong niya. Bakit ganun ? Bakit kailangan na kakilala pa ni Ivan tong nasakyan ko? Sasagutin ko ba tanong niya? Wag na lang kaya. Baka mamaya ichika pa ko nito e.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake (Slow Update)
Ficțiune generalăBeautiful Mistake By: AceSeduction Shays is a typical girl who dream to have someone who TRULY care for her. She use to let go certain a person for someone. She already let go of him years ago, but, what if, he came back for her? And only f...