Chapter 1- Alice Jeanne Montez: ...kung hindi lang siya gwapo...

43 3 1
                                    

CHAPTER 1- Alice Jeanne Montez

~~~~~~~~~~~~

Dedicated to ate Yam-Yam28… sobrang love ko kasi yung story niya na Girlfriend for Hire tsaka Officially His Girlfriend. Dahil dun, nainspire akong magsulat athough alam kong wla pa sa 1/8 ng ganda ng story niya itong story ko. ^_^ sana magustuhan mo po… <3

~~~~~~~~~~~~

Ayan na naman siya, grabe ang gwapo niya talaga…

"Ui, andiyan na naman date mo." –Irene

"Di ka ulit sasabay?" –Lyka

Hindi muna ako nagcomment sa mga sinasabi nila, basta nakatingin lang ako kay Jake hanggang makalapit na siya. Tinignan niya ako tapos nginitian,ngumiti lang rin ako tapos lumapit na siya kay Myka.

Ako nga pala si Alice Jeanne Montez, at siya si Jared Ken Park. Since 1st year highschool crush ko na siya… no, mali pala, sa tingin ko kasi hindi ko nalang siya basta crush ngayon. Simula kasi nung tulungan ko siya na mapalapit sa bestfriend kong si Myka, yeah… GF niya si Myka, at ako ang naging tulay nila.

Nung una, hindi ko naman alam na mahuhulog talaga yung loob ko sa kanya ng ganito kalalim eh, kasi naman diba, sabi ko nga crush ko lang siya. Kaya lang kasi simula nung makita ko kung panu siya mag-effortpara lang sagutin siya ni Myka hayun, nangyari na.

Tsaka isa pa, kapag nagig tulay ka kasi hindi mo naman talaga mapipigilan yung nararamdaman mo lalo na kung pinapakita niya sayo na mahalaga ka. Hindi naman sa sinasabi ko na paasa siya ha. Kasi alam ko naman sa simula palang na wala talaga kaming pag-asa.

Pero… ah! Basta, gets niyo na yun. Masaya naman ako para sa kanila eh, unang-una dahil kaibigan ko si Myka at pangalawa alam ko na mahal nila ang isa't-isa. Sa katunayan nga, first boyfriend niyang si Myka si Jake kaya sinigurado ko muna na mahal talaga ni Jake si Myka bago ko siya tinulungan.

"Sa susunod nalang ako sasabay ha." –Myka

"Oo nga, hahatid ko nalang siya." –Jake na nakangiti pa habang nakatingin kay Myka. Si Myka naman nagblush pa. Haha ang cute talaga nilang tignan.

"Sa susunod daw. Lagi mo naman siyang hinahatid noh." –Lyka.

Napakamot naman sa ulo si Jake.

"Haha! Joke lang, sige may date pa kayo, tambay muna kami dito diba Ian." Sabi ni Lyka sakin. Ian kasi ang tawag nila sakin eh, short for Jeanne.

"Oo nga, iuwi mo agad si Myka sa bahay nila after ng date niyo ha. Wag kung san-san pumupunta." Bilin ko naman tapos ngumiti kahit fake. Hindi naman kasi nila alam na may gusto ako kay Jake.

"Oo naman noh! Haha. Iinagatan ko siya. Mahal ko to eh." Jake sabay akbay kay Myka. Ouch, ipinagdiinan pa talaga ha. Siniko naman siya ni Myka sa sikmura.

"Tara na nga! Una na kami ha. Ingat kayo!"

"Babye!"

"Ingat din!"

Umalis na nga sila after nun. Ay,nga pala hindi pa ako tapos magpakilala haha! Inuna ko pa kasi magdrama, so yun nga, I'm Alice Jeanne Montez, Ian tawag sakin ng close family and friends ko, yung iba naman Alice or Jeanne. 4th year highschool student at Hyouka Academy, 15 palang ako, maaga kasi ako nagstart kaya yun. I'm the youngest in our class… uhh wag na pala yun. Ano pa ba?

Sabi nila may attitude daw ako, sabi ko naman 'Bat kayo wala?' eh diba lahat naman meron nun. Minsan kasi masungit ako, halos lagi pala. Moody, tapos slow, sabi din nila palagi daw akong walang pakialam sa paligid ko.

Fulfilling Our PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon