Chapter 7

17 1 0
                                    

Chapter 7

Mawawalan Ng Karibal

~~~

Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga magawang tanggalin yun sa isip ko. Promise? Anong promise ba yun? Nagka-amnesia ba ako at hindi ko maalala yun o ano? Haisht, nakakainis! Imbes na pumasa ako sa quiz kanina, lintek!, pinasa ko yung papel ko na blanko. As in walang laman o nakasulat kahit pangalan man lang.

Saka ko nalang narealize na ganun nga nung chineck na lahat ng papers at nawawala yung akin. Pinagtawanan pa nila ako dahil napakabatang ulyanin ko daw. Isama pa ang pagpapahiya nung teacher naming. Grabe, sabihin ba namang “Ganyan talaga kapag hindi nag-aaral nang mabuti, hindi alam isulat pati pangalan.” Ode, dahil sa sobrang awa ng mga kaklase ko sakin mas lalo pa silang tumawa.

Lanya, kasalanan to ng Cliché na yun eh!

“Ian!” sabay pitik ni Lyka sa ilong ko.

“Ouch…” reklamo ko at tinignan siya ng masama.

“Problema mo? Para kang tanga.” Diretsahang sabi pa niya. Nagkunwari akong nasaktan sa sinabi niya.

“Tunay na kaibigan ka talaga ano? Sobra ka makainsulto.” Sarcastic na sabi ko sabay tigil sa pag-shake sa ulo ko dahil nahilo na ako sa kakagalaw nito. Sumakit na rin ang leeg ko at lahat na pero hindi parin talaga mawala yun sa isip ko.

“Bheb, ang pekeng kaibigan, pipiliing paulanan ka ng mga magagandang salita habang nakaharap ka pero pag nakatalikod… oh well, alam mo na. Ang TUNAY na kaibigan, pipiliing ipamudmod sayo yung katotohanan kesa ipamudmod yun sa iba.” Napangisi ako sa sinabi niya. Tama naman kasi, besides, I really don’t like sugar-coated words.

But still…

“Tss. Edi ikaw na.” inirapan ko siya kunwari kaya binigwasan niya ako. Sa sobrang lakas, halos tumama yung noo ko sa pader ng tindahan. Buti nalang napigilan ko.

“Gaga! Kitang nagmomoment na ko oh! Mahabag man lang sana yang damdamin mo sa mga salita ko.” Reklamo niya. Hinawakan ko nalang ang ulo ko at niliitan ang mga mata. Mas sumakit pa lalo ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Siya naman ang umirap ngayon nang makita niya ang ginawa ko.

“Parang ayokong pumasok.” Sabi ko at ipinatong ang ulo sa mga kamay ko na para bang unan. “Nakakatamad. Filipino na naman.” Nagkunwari akong inaantok pero ang totoo ay halos sabunutan ko na ang sarili ko para lang maalala yung tungkol dun sa promise na yun. Instinctively, napakapa ulit ako sa may leeg ko. Empty.

“Oh anong problema kung Filipino yung subject mamaya? Masaya kaya roon.” Hirit pa ni Lyka. Hindi naman talaga yun ang dahilan kung bat gusto ko nang umuwi eh. Actually, masaya nga yung subject naming yun. Yung teacher kasi namin, isa siya sa mga teachers na masasabi kong nakakasundo ng barkada namin eh. Palibhasa itong si Lyka paborito ni Ma’am Iris kaya ganun.

Lagi kaming may ‘special treatment’ sa klase niya. Pero kasi hindi talaga ako mapakali.

Sana pala talaga sumama na ako kay Irene kanina. Umuwi na kasi siya eh. May ‘excuse letter’ siya na pinirmahan ng mama ‘daw’ niya. Though alam kong nagforge lang naman siya. Dapat nagpagawa na rin ako sa kanya.

Edi nasa bahay na sana ako ngayon at naghahanap ng… uhh, ano nga bang hahanapin ko? Tsaka saan? Bakit? Aish. Ano ba yan! Nakakatarantado naman to oh. Naalala ko naman yung mga reactions ko kanina at napansin kong kanina pa ako hawak nang hawak sa leeg ko. Hmm, maybe it’s a necklace?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fulfilling Our PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon