Chapter 5- Alice Jeanne: "Ang cute mo..."

15 2 0
                                    

Chapter 5- Alice Jeanne: "Ang cute mo…"

Napilit ko rin naman silang wag na akong ihatid kaya naman, heto ako ngayon, basang-basa sa ulan. Like, literally, bigla nalang kasing umulan habang naglalakad ako. naiwan ko pa naman yung payong ko sa bahay.

Sumilong muna ako sa silong nung puno kaninang medyo mahina pa ang ulan kaso lang, nung lumakas na, parang wala na ring silbi yung pagsilong ko kuno.

Buti nalang talaga malapit na yung bahay namin konting takbo nalang ok na. Basa na rin naman ako eh. Tatakbo na sana ako nung may makita akong tumatakbo rin pero may dalang payong.

Napakunot ang noo ko nang makilala kung sino yun.

"Buti naabutan pa kita" hinihingal na sabi ni Cliché habang inaabot sakin ang payong niya. Dahil siguro sa pagod, nung kinuha ko yung payong napahawak siya sa tuhod niya.

Tumawa pa siya ng bahagya. Dahil nakayuko siya, medyo nababasa yung likod niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko nung medyo nakabawi ako sa pagkabigla.

"Bigla kasing umulan ng malakas, eh wala namang sinabi yung PAGASA na uulan ngayon. Baka kako, wala ka na namang dalang payong. Haha!" sabi niya nang nakangiti.

And for just a second, parang may nakita akong panghihinayang sa mga mata niya.

"H-Hindi mo naman kailangan g-gawin to eh. T-tsaka, hindi ako ulyanin!"

Mas lalo pa siyang natawa sa sinabi ko.

"Ito naman! Defensive masyado! Haha! Wala naman akong sinabing ulyanin ka ah." Sabi ulit niya sabay pat sa ulo ko. "Sige! Una na ako ha!"

Lumabas na siya sa payong kaya nabasa narin siya. Malakas parin ang ulan kaya mabilis lang siya nabasa. Tatakbo na sana siya pero hinila ko yung kamay niya kaya napatigil siya.

Tumingin siya sakin at nagtanong kung may kailangan pa ba ako.

Hindi ako sumagot. Lumapit nalang ako sa kanya at itinaas ang kamay kong may hawak sa payong para mapayungan din siya.

"Mmm ano, kasi" tae naman. Ano bang sasabihin ko?

He cocked his head to one side which seems familiar.

"Kunin mo nalang ito kung gusto mo. Basa na rin naman ako kaya ok na to." Sabi ko at akmang bibitiwan na yung payong kaso hinawakan niya yung kamay kong nakahawak dito.

Sh1t! ano yun?!

"Kaya nga ako bumalik dito para ibigay to sayo tapos ibabalik mo lang sakin." sabi niya nang nakatingin sa mga mata ko. Parang namagnet yung mga mata ko sa pagtitig niya kaya hindi ko magawang umiwas.

Hindi ako agad nakasagot. Is that even a question? Hindi naman diba.

Nakita kong medyo namula yung pisngi niya at bigla siyang nag-iwas ng tingin.

Fulfilling Our PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon