Chapter 2- Ian: "So? Crush mo?"

34 3 0
                                    

 Chapter 2

Pagdating ko sa bahay, wala sila mama tsaka papa. May nakalagay lang na note dun sa ref. Inaayos kasi ni mama yung mga kailangan niya para makabalik sa Canada kaya siguro nagpasama siya kay papa. Balak kasi ni mama na isama na kami dun kapag nakaipon na siya.

Tsaka isa pa din, kahit naman andito si papa konti lang din ang chance na kausapin niya ako. Hindi naman sa galit siya sakin or what, hindi lang talaga kami close na as in super close… mag-uusap lang kami kapag may iuutos siya sakin o kaya naman kapag pagsasabihan nya ako.

Ewan ko ba, sa kanya ko ata talaga namana yung kawalan ko ng pasensya.

Ayoko sana kaya lang ayokong isipin niya na hindi ko siya mahal, may pagkasensitive din kasi si mama minsan.

Tinignan ko muna kung anong laman ng ref tapos may nakita akong chicken meat sa freezer. Yun nalang yung niluto ko, ako lang naman ang kakain eh, bukas na rin lang sila babalik. Buti nalang talaga Saturday bukas, walang pasok.

Ay, meron pala. May practice kasi kami ng sayaw para sa ipepresent namin sa concert. Concert for a cause actually, para dun sa mga nasalanta nung bagyo.

After kong kumain, nanuod nalang muna ako ng TV sa sala. Bukas ko nalang gagawin yung assignment ko sa Algebra. Hindi ko rin lang naman alam kung panu ang gagawin doon eh. Mangongopya nalang ako kay Irene, siya kasi yung Math wizard ng barkada.

Bat ba naman kasi may Algebra pa, nakakainis, pag nakita ko lang talaga ang dahilan kung bat may ganitong subject idodouble dead ko siya, potapete. Kung ano ano kasing pasikot sikot ang kailangan gawin eh. Hmp!

Matutulog na sana ako nung may magtext sakin. Unknown number naman tapos ang nakalagay lang na message is…

Wala… oo wala nga, as in blank message. Psh  walang magawa sa buhay!

***

"Ian, gising na, may pasok ka pa. tanghali na." nagising nalang ako sa sigaw ni mama tapos pagtingin ko sa wallclock ng room ko, 6 AM na pala may pasok pa ako ng 7:30.

Hay, Monday na naman pala, parang ang bilis ng araw tsk. Parang Friday lang kahapon ah.

"Sandali lang ma."

"Dalian mo, malelate ka na naman. Wala pa man ding maghahatid sayo maglalakad ka pa, mamaya wala ka pang masakyan, bumangon ka na diyan---" Heto na naman si mama, tuwing umaga ganyan, minsan mas malala pa.

Nagtaklob nalang ako ng unan para hindi ko siya marinig. Inaantok pa ako, kaso sigurado namang hindi siya titigil tapos papagalitan ako kapag natagalan ako. Hindi naman ako nalelate eh, napakanega talaga niya haisht!

"Bumangon ka na kasi diyan, hay kaw na bata ka, ang bagal bagal mong kumilos halla! Sige bmangon ka na diyan at kumain ka na dun!" before I knew it nahila na niya yung kumot tsaka unan ko. So no choice na ako kundi bumangon… naman naman.

"Babangon na po…"

Kumain na ako at naligo tapos papasok na sana ako kaya lang yung allowance ko pa pala nakalimutan kong kunin.

"Ma, yung allowance ko dimo pa binigay."

Kinuha ko na yung binigay niya tapos tumakbo na papuntang sakayan. Malayo pa ang school kasi eh. Kelangan ko pang maglakad tapos sumakay ng tryk tapos jeep tapos lakad ulit.

Kaya naman pagdating ko sa school diretso agad ako sa CR, haggard na ako eh, retouch retouch lang. Wala pa naman sila Lyka, hindi pa sila nagtext sakin eh tas dito rin lang naman sila dumidiretso pagdating nila dito.

Fulfilling Our PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon