Prologue

94 3 0
                                    

PROLOGUE

“Itago mo itong arrow na ito ha, tapos ako itatago ko naman itong heart.” Inabot ng batang babae yung necklace pendant na arrow shaped dun sa batang lalaki.

“Parang ang bading naman eh, bat may heart sa dulo?” reklamo naman ng batang lalaki.

“Ang arte mo naman! Eh siyempre para sakto dito sa heart dito sa gitna ng heart na pendant ko.” Paliwanag  ng batang babae.

“Ha? Heart ng heart ng heart mo?” pangasar ng batang lalaki.

“Che! Edi kung ayaw mo wag mo!” aalis n asana yung batang babae pero pinigilan siya nung batang lalaki.

“Joke lang, ang pikon mo naman. Akin na.” kinuha niya yung pendant.

“Pano kapag nawala to?” tanong niya sa batang babae.

“Hmm, edi ikaw din, hindi mo na ako maikikita pa kahit kailan.”

“Hmp, wag ganun! Bili nalang tayo ng necklace niya para lagi natin siyang masusuot. Para kapag nagkita tayo paglaki natin, makikita natin to na suot-suot ng isa’t-isa.”

“Oo nga no! Ang galing mo talaga.”

~~~~~

“Wag mo akong kakalimutan ha.”

“Hindi kita kakalimutan promise! Basta, lagi mong isusuot ito ha, wag mong iwawala. Ok? Basta, magkikita pa tayo.”

“Oo promise hindi ko to iwawala.”

“Pangako ko sayo, Je hahanapin kita paglaki natin. Tapos magpapakasal tayo tulad nila mommy tsaka daddy, basta hintayin mo ako ha.”

“Oo, hihintayin kita, pangako.”

~~~~~

“Masakit pag yung taong mahal mo, hindi tumupad sa pangakong binitiwan niya para sayo. Pero mas masakit pala kapag tinupad niya yun pero hindi dahil gusto niya… kundi dahil nangako siya.”

~~~~~

There… binago ko po yung prologue. Yung una kasing nilagay ko hindi ko malagyanng script yung mga characters. May ending na ako sa story nato pero hindi ko alam kung aabot siya o hindi. Sa kadahilanang, minsan- kadalasan talaga tamad ako. Tsaka kapag feeling ko wala naming nagbabasa hindi ko na tinutuloy kaya please support this story. Thank you so much!

Hope you’ll like it! Kahit puchu-puchu lang :) Love yah!

Fulfilling Our PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon